Paper plane

137 7 3
                                    

--> Paper plane: 

*ten ten ten ten ten tenenenen* Biglang tumunog yung cellphone ko pagkaupo ko sa bench sa playground.

“Hello?” Sagot ko sa tumawag.

[Miel!] Sigaw ng tumawag sa kabilang linya. Si Drey. Sobrang hyper eh.

“Oh, Drey?” Sabi ko.

[Asan ka?]

“Playground.”

[Playground na naman?!]

“Bakit ka ba tumawag?!”

[Wala lang. Hehe. Bye. Labyu.] Tapos binaba na nya. Ang gulo rin kausap nun eh.

Ako nga pala si Miel Sanchez, 17 years old, 1st year college dito sa isang tanyag na university sa Quezon City. Yung kausap ko sa cellphone kanina, si Drey Sanchez, kakambal ko.

3rd day of school palang at vacant ko ng 2pm-4pm. Naisipan kong tumambay dito sa playground. ‘Di kasi ako makakauwe sa dorm namin kasi 30 minutes away yun. Tsaka, hassle din magco-comute pa ako eh sabay ang tapos ng last class namin ni Drey at iisa lang auto namin.

Gustong-gusto ko lang sa playground tumambay. Ang ganda kasing location  nun para kuhaan ng pictures. Photography kasi course ko. Tsaka bukod dun, ang ganda panuorin ng mga batang  nagpapalipad ng paper plane. It reminds me of something—someone, 4 years ago.

-Flashback- (4 years ago)

First day of Freshmen ngayon. Late pa nga akong nakadating sa school. Si Drey kasi. Ang kupad kumilos.

Dumating ako sa room, madami ng estudyante. Kaya ang available lang na seat ay yung nasa una. Doon na ako umupo. After ilang minutes, may pumasok na teacher. Eto na siguro class adviser namin.

Nag greetings lang sya. Sya daw si Teacher Fem at sya ang magiging adviser namin for the whole school year.

“So, nakapagpakilala na ako. Kayo naman.” Sabi ni Ma’am. And what do you expect?

“Ughhh.” Reaction naming mga estudyante. Ano ba yan! Highschool na mag-i-introduction pa?!

“Hindi sya yung introduction na pupunta ka sa una. Not that. Let’s make it in a new way. Get one whole.” Sabi ni Ma’am.Sumunod namin kaming mga estudyante. At dahil 1st day, wala akong dalang papel. Nanghingi lang ako sa katabi ko. Tinupi-tupi ni Ma’am. Sinunod lang namin. Gagawin pala syang paper plane. “Ngayon, meron na kayong paper plane. Write your name in it.” Sabi ni Ma’am. Sinulat ko nama dun sa paper plane ko ay ‘Miel’. 

Pinalipad ko na yung akin. And may lumagpak na paper plane sa harap ko. Tiningnan ko yung pangalan, ‘Keish Santos’. Sino naman ‘to?

“Keish, kanino yung nakuha mo?”

“Miel nga eh. Hindi ko naman kilala.”

Nakinig kong may nag-uusap. Keish? Ibig sabihin yun yung Keish? Tapos nakuha nya din yung sakin? Wow. Ang galing naman.

Lumapit ako dun sa babae. Dugdugdugdug. Ano naman yun?

“Keish Santos?” Tanong ko. Tumingin naman sya tapos nag-nod. “Miel Sanchez.” Tapos nag-shakehands kami.

-End of Flashback-

Pinicturan ko yung mga bata. Enjoy na enjoy sila sa pagpapalipad ng paper planes.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon