Sa isang sulyap mo

156 5 0
                                    

--> Sa isang sulyap mo.

"...Sa isang sulyap mo ayos na ako. Sa isang sulyap mo, napa-ibig ako..."

Pagkapasok na pagkapasok ko sa TV network na pinagtratrabahuhan ko, nakakinig kagad ako ng empleyadong nagpapatugtog nan.

"Good morning!" Bati sakin ng mga empleyado. Nginitian ko naman sila.

Lumiko ako sa isang side. Way papuntang elevator. Saktong bagong bukas ang elevator kaya pumasok na ako.

"...Sa isang sulyap mo ay nabihag ako. Para bang himala ang lahat ng ito..."

Napatingin ako sa nakasakay ko na kumakanta. Napangiti ako.

Ako si Carlo Jimenez. Isang sikat na artista, song-writer at acoustic singer. Kaka-release pa lang ng album kong entitled 'Sa isang sulyap mo'  which is malakas ang bentahan ngayon. Napapangiti ako pag naaalala ko ang kanta. It reminds me of something-- I mean, someone, 5 yearas ago.

***

Pumunta akong classroom. Wala na sila. Grabe. Late na naman kasi ako. Kakabago ko palang sa school na to laging late. Nakasulat sa board, 'Hall' it means, asa hall  mga kaklase ko.

Bumaba na ako at naglakad papuntang hall. Sophomore ako. Transferee. 2nd day of school pa lang. Pero late ako. Malayo yung apartment na tinitirhan namin dito eh. Nag move kami dito kasi dito napadestino Daddy ko.

Nakarating na ako sa hall. May orrientation nga pala. Andun na lahat ng sections ng 2nd year. Nakita ko naman si Ms. J, adviser ko. Lumapit ako.

"Good morning, Ms. J. Sorry I'm late." Sabi ko kay Ms. J.

"Don't let this happen again ha?" Sabi nya. Nag-nod naman ako. "Hala. May vacant pa dun sa tabi ni Mart. Dun ka na lang umupo." Sabi ni Ms. J. Si Mart, isa sa mga kaklase ko.

"Sige po. Thank you po." Sabi ko tapos pumunta na sa monoblock chair na tinutukoy ni Ms. J tapos umupo na.

Katabi ko sa right si Mart. Tapos sa left? Tiningnan ko katabi ko sa left. Babae. Hindi sya maganda pero cute sya. Naka-whole bangs tapos mahaba yung buhok. Nakatuon yung ulo nya sa sandalan nung monoblock chair.

"Huy." Napatingin ako kay Mart. "Wag mong katitigan yan. Baka matunaw." Sabi nya sakin.

"Kilala mo ba yun?" Bulong ko sakanya. Old student kasi si Mart. Ako lang transferee sa section namin.

"Hindi eh. Basta ang alam ko, Section A yan last year." Sabi nya.

"Ngayon?" Tanong ko.

"Hmm. B ata?" Sabi nya. Section C kasi kami.

***

17th floor na. Lumabas na ako ng elevator.  Dumeretso ako sa office ni Ms. Lopez, head ng TV network na pinagtratrabahuhan ko.

"Uhm, Karen, asan si Ms. Lopez?" Tanong ko kay Karen, assistant ni Ms. Lopez.

"Sir Carlo! Kayo pala yan. Nasa meeting pa si Ma'am eh. Pero siguro andito na sya in 10 minutes." Sabi ni Karen.

"Ah, sige. Iintayin ko na lang sya." Sabi ko tapos umupo sa isang chair kaharap ng table ni Ms. Lopez. Pinapunta nya ako dito kasi may bagong project daw ako sabi ni Ms. Lopez.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon