Chapter 2

6K 150 0
                                    

EDITED!

Please support my second book guys 🥺
Azarel Perez's Possession

****

Maxeen POV

"Bes saan nga pala tayo magsisimulang maghanap nang trabaho?"basag ko sa katahimikan.

"Actually bes. Hmmm kasi..." Kita kong nagdadalawang isip pa kong sasabihin ba niya sa akin o hindi. Nagtaka pa ako dahil iniwasan niya akong tignan. Nag tagpo ang mga kilay ko sa kinikilos niya.

Parang may gusto talagang sabihin yung bestfriend ko.

Kinakabahan ako sa inaakto niya ngayon. Hindi kasi siya ganito na nahihirapang sabihin ang iniisip niya.

"Ano ba yun bes?"

"Hmm, kasi gusto nila mommy na sa states na kami titira. Nagka problema kasi sa companya ni daddy at gusto ni mom na tulungan namin si daddy sa pagmamanage nang companya." malungkot na pahayag nya. Kita ko sa mga mata niya na ayaw niyang umalis sa bansa.

"Kailan naman yung alis niyo nang mommy mo? Tutulong narin ako, sasabihin ko kila daddy para naman may maitulong ako. Para hindi ka na rin malungkot bes." masayang pahayag ko sa kanya para ngumiti sya. Ayaw kong malungkot siya lalo pag nakita niyang nalulungkot rin ako.

Alam kong nahihirapan si Liah na makita ang parents niyang maghirap, at alam kong hindi lang pagmamanage ang gagawin niya dun. Sa mga nag daang taon na magkasama kami ay alam kong nasasaktan siya sa mga nangyayari.

"Ano kaba bes! Wag na nga kaya pa naman nang powers ko hahaha. At gusto ko ring tulungan sila mom, aalis na kami bukas kaya nga sinamahan kitang maghanap nang trabaho." kahit tumatawa siya ay nasa mata parin niya ang lungkot. Ngumiti ako sa kanya para ipahayag na magiging okay lang ang lahat.

"Pero gusto ko ring tulungan kayo bes, para ano pa at naging bestfriend mo ako?" pahayag ko. Hinawakan ko ang hita niya. Tumingin naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Ikaw talaga ang drama mo, babalik rin naman kami pag na tapos na yung problema ni dad. Wag na tayong magdramahan dito, pagkatapos nang paghahanap mo nang trabaho bonding tayo!" Pag iiba niya sa usapan para hindi kami malungkot.

My Maniac CEO (COMPLETED)Where stories live. Discover now