EDITED!
Please support my second book guys 🥺
Azarel Perez's Possession****
Maxeen POV
5:09 a.m.
Maaga pa pala! Bumangon na ako sa higaan ko at dumiritso na sa banyo para maligo, habang naliligo ako iniisip ko kong ano ang mangyayari sa pagiging secretary ko. Matanda na kaya ang CEO? Kinuha kuna yung towel ko at pumonta sa closet para magbihis, sinuot ko ang skirt na black at t-shirt na may naka lagay na SORRY BOYS I'M TAKEN tas sandal na black. Wala pa namang sinabi sakin kong ano ang susuotin kaya ito nalang pansamatala.
Pumunta akong kusina at kumoha nang sandwich at nagtimpla ng kape. Di kasi ako maggaling sa pagluluto si nanay Elsa ang nagluluto sakin noon nong nasa mansion pa ako. Haysst miss kuna si nanay Elsa at ang luto nya. Tinignan ko ang wristwatch ko.
6:04 a.m.
Iniwan ko na yung tasa sa lamisa at kinuha ang sling bag ko at lumabas ng condo unit. Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang ground floor, bilang bumukas at may pumasok na lalaki.
Gwapo!
Wag ka ngang malandi Max! Sabi ko sa sarili ko.
"Hi miss." Bati ng lalaki sa 'kin.
"Hello." Ayaw ko naman maging rude baka sabihin pa feeling maganda ako kahit maganda na ako.
Ngumiti siya sakin.
Ghadd! ang gwapo nga may dimple pa!
Bumukas na yung elevator, nasa ground floor na pala kami. Hindi ko napansin dahil may gwapo sa loob ng elevator.
"Byee miss see you around."
Sana makita ko sya ulit. Ghadd! Mukhang crush kuna ato yung lalaking yon. Paglabas ko sa building ay nakita ko si kuya guard.
"Good morning Miss Maxeen." bati ni kuya guard.
"Good morning din kuya." nakangiting bati ko ni kuya guard.
Naghintay ako nang taxi, may kotse naman ako ayaw ko lang mag drive. May pumarang taxi sa tabi ko at sumakay na ako.
"Saan ka po ma'am?"
"Sa B.X.S COMPANY po ako kuya." sabi ko sa driver.
Hindi naman gaanong traffic ngayon. Makalipas ang ilang minuto nakarating na rin ako sa companya at nagbayad sa taxi driver. Pumasok na ako sa building.
"Good morning ma'am." Ngumiti sa akin si kuya guard.
"Goodmorning din kuya."
Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang last floor, siguro naman doon ang office ko dahil secretary ako ng CEO. May nakasabay din akong mga kababaihan na nag uusap. Tatlo silang babae dito. Hindi nalang ako bumati dahil nag uusap sila.
"Ang gwapo talaga ni Mr. Smith!" parang kinikilig pa siya at nag iniimagine pa ata ang sinasabi niyang Mr. Smith.
"Oo nga! Sana mapansin niya rin ako." sabi pa ng isa.
"Nako gurl wag kanang mangarap nang gising dahil hindi ikaw ang tipo ni Mr.Smith." sabat ng isa pang babae. Siguro magkakaibigan sila.
"Ang harsh niyo naman sakin! Supportahan nyo nalang ako" sabi nong pangalawang babae.
Ang tagal naman bumukas nito ang iingay pa ng mga babae dito. Biglang bumukas ang elevator at may pumasok na gwapong lalaki.
"Good morning Sir Light." sabi nong tatlong babae.
"Morning ladies." sabay kindat nito sa kanila. Napa iling nalang ako.
Ayy siguradong playboy ito.
Bumukas ulit ang elevator at sa pagkakataong ito lumabas na yung tatlong babae.
"Byee sir Light!" sabi ng mga babae.
"Byee ladies." Base on my observation isa siyang happy go lucky guy, at playboy.
Kami nalang nitong Light ang naiwan sa elevator.
"Hi miss beautiful bago ka lang ba dito? Ngayon lang ata kita nakita." Pansin niya sa 'kin.
"Ahh yes sir. Ako po yung bagong secretary ng CEO." naiilang na sabi ko dito.
Humarap siya sakin at lumapit, umatras naman ako kasi naiilang ako sa lapit nang mukha namin.
"Wag mo na akong e sir, Just call me Light. And you are?" Naka ngiti pa siya. Hindi pa rin siya umalis sa harap ko at naglahad pa nang kamay.
"Maxeen. Maxeen Gonzalez."
Nakipag kamay na rin ako sa kanya at sakto namang bumukas ang elevator.
"Mr. Lopez what are you doing here? And Ms. Gonzalez sinabi ba ni Mrs. Mira sayo na bawal lumandi dito sa companya ko?" Base sa sinabi niya ay siya ang CEO dito. Nangilabot ako sa lamig ng boses niya.
"Ahh sir hin.." hindi ko na tuloy ang sasabihin ko sana ng mag salita siya ulit.
"Enough! Go.to.your.table.now.will.talk.later."
---
Ghaddd! Ano kayang mangyayari? Abangan sa next chapter.
Don't forget to follow, vote and comment. Thank you.😊
Aimymie
YOU ARE READING
My Maniac CEO (COMPLETED)
Random"No one own you but me. And only me! I got you once and I can get you twice, thrice or more so, prepare your self baby." -Black Xavier Smith --- First time ko pong magsulat ng story pasensya na sa grammatical errors and spelling. Please follow and v...