Ch 01 ⌚ Nov 25, 2019

10 0 0
                                    

FANGIRL MODE: ON

"Ang cute ni Suho!" I almost let out a loud shriek but stopped myself from doing so kasi baka magising ang lahat ng kapitbahay namin. It's already late and I'm still fangirling here in my room. This is not new. May mga pagkakataon pa ngang 4 am or 5 am ako natutulog. Naniniwala kasi ako sa kasabihang "Pagising ka palang, patulog naman ako."

Inayos ko ang earphones kong malapit nang mahulog and searched for another variety show na present ang EXO. I'm not a fan. Lilinawin ko lang. Hindi ako fan. So ironic naman. Nasabi ko palang nagfafangirl ako kanina.

I like Infinite's songs more than any other kpop songs. Ang sarap pakinggan ng mga kanta nila. Then I shifted to BTS kasi they are very funny. I don't listen to their music. Alam ko lang 'yong part kung saan sasabihin na ang title ng songs nila katulad ng "Bultaoreune ... Fiiiiiiiiiiiiiiiiire.." o kaya naman ay "DNA" with matching move pa na magpopoint sa wrist. But I always listen to V and RM's "4 O'clock" lalo na kapag gusto kong antukin. Para kasi siyang lullaby and at the same time sad song.

Then, naubusan ako ng videos na pwedeng panoorin. That was the time when YouTube recommended EXO to me. My sister really loves BTS kaya binabash niya ang EXO kaya hindi ko clinick 'yong video that time.

So paano ako na-hook up sa EXO? Nakita ko din kasi sa recommendation 'yong "D.O is 100% is done with EXO." That served as an eye-opener. Hindi ako nanonood ng music video or nakikinig ng kanta nila. I only watch variety shows and dahil doon, napagpasyahan kong magpagawa na ng passport. Gusto kong pumunta ng Korea! Now na sana kaso it's already 11:55pm na pala. Maghahating- gabi na pala.

May pasok pa naman ako bukas. At 7:30 ang start ng klase ko!

To clarify things, hindi na ako estudyante. I'm a college instructor.

Okay! 5 minutes bago mag-Monday. Ang pinaka-nakakabagot na araw ng week. Everyone just wants to sleep and stay on their bed. Mas malakas ang gravity ng kama tuwing Monday e.

I alarmed my phone ng 5 am kasi isang oras ang byahe ko papuntang school. Just imagine how much I struggle para lang magkapera. Minsan nga gusto ko ng idagdag sa listahan ng talents ko ang "matulog ng 3 am at magising ng 5 am."

11:59. Ibinaba ko ang phone ko and went to sleep.

---------

Zzzzt... Zzzzzt...

My phone's vibration interrupted my sleep. Alam kong kailangan kong bumangon kasi maaga pa ako ngayon. It's already 5 am. I know that. So I grabbed my phone and click it na akala mo talaga alam ang ginagawa then continued my sleep.

Naalimpungatan ako nang may marinig akong tunog ng mga gamit sa kusina. Siguro nagluluto na si mama. Pero hindi naman siya nagigising nang maaga para paglutuan ako. Hindi ko alam pero parang pagod na pagod ako and dagdag pa na ang sarap ng weather. Parang naka-aircon ako pero sakto lang. Wala naman akong aircon sa kwarto ko? Ah! November na nga kasi! Magpapasko na! So malamig na talaga ang panahon.

Hinawakan ko ang kumot na nakabalot sa akin at inamoy pa ito habang nakapikit pa rin. Ang bango naman? Downy ba 'to? Infairness ha, ang bango. Pero teka lang, hindi naman binababad ni mama sa downy ang mga kumot at kurtina namin? Ang weird naman?

I slowly opened my eyes and everything is white. Mula sa mini-sofa na nasa harapan ng kama kong may kulay puting kumot, sa kurtinang may touch of brown color, sa cabinet na kulay puti rin.

Agad akong napaupo sa kama ko. Am I still dreaming?

Ang haba na ng tulog ko ha. Tapos nananaginip pa rin pala ako.

I looked at myself and nagulat dahil wala akong saplot AT ANG PUTI KO!

Hindi ko napigilang sumigaw habang binabalot ang sarili ko ng kumot.

The room is in mess. Nakakalat ang kung ano-anong saplot sa floor.

This is so weird.

Mas lalo akong napasigaw nang pumasok sa kwarto ang lalaking naka-boxer shorts at apron lang. May hawak pa itong kutsilyo sa kanang kamay niya.

"BAKIT?" Nagulat ata ito sa sigaw ko.

Instead of shock, unti-unti akong tumawa na parang nababaliw na. I laughed hard. Masyado na ata akong naadik sa EXO!

But why Chanyeol? Bakit hindi na lang si D.O or si Suho ang napanaginipan ko?

--------------------------

Describe Chapter ONE:

Short and Cliche

But the next chapters will be longer. And it's not your typical story.

I Woke Up as Chanyeol's Wife!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon