Simula

34 4 0
                                    

Seron

"Uera!" sigaw mula sa bungad ng malawak na bakuran ng mga Bristt.

Mula sa pagkakadayukyok sa halamang inaani'y umangat ang tingin ni Uera sa babaeng tumawag sa kaniya.

Bakas sa mukha nito ang pananabik at tila ba hindi makapaghintay na sabihin sa kaniya ang balitang nais nitong iparating.

"What is it, Stella?" she asked. Wiping some sweats in her face she tried to look casual in front of her best friend. "Parang hindi ka mapakali." dagdag niya.

"Hindi mo ba alam?" tila kinikilig na tanong nito. "Pyro Levi's going to visit Seron! Ito na ang pagkakataon mong makita siya sa personal!" halos bumakas sa leeg ni Stellar ang mga ugat nang walang pasabing tumili ito.

Narindi man sa ginawa ng kaibigan ay hindi napigilan ni Uera ang mapangiti. Noon pa man ay gusto na talaga niyang makilala ang pinunong kawal mula sa Lila.

Lila is a city where technology was born. But despite of having the most upgraded things in life, they still follow rules from the old kingdom of Lila. Hanggang ngayon ay mayroon pa ring mga kawal na nakasuot ng mga medieval armours. Some are still having swords instead of guns. Pero hindi naman iyon nakabawas sa galing nila.

I always admires their bravery. Lalong-lalo na si Pyro. He's the general, the best fighter of Arco. Unang beses ko siyang nakita sa telebisyon. Napakagaling niyang makipaglaban. Simula noon hindi na siya nawala sa isip ko. Sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya sa kung saa'y napapangiti na lamang ako bigla.

"Pero Stella, isang linggo ang anihan. Baka sa panahong iyon siya dumalaw rito." Hindi maiwasang malungkot ni Uera sa isiping iyon.

"Ganoon?" sagot nitong napapakamot sa ulo. "Bakit hindi ka na lang kaya sumama sa akin sa bahay? Doon, tiyak na makikita mo siya." malaki ang ngiting mungkahi nito.

Bigla siyang napasimangot. Sa lahat ng maaari nitong isuhestiyon bakit iyon pa? "You know Trax and I are still not in a good term."

"Eh bakit ba naman kasi kayo naghiwalay? Sana ngayo'y kasama kita pabalik sa Lila." Sa Lila naninirahan si Stella at ang pamilya nito. Mayaman sila na kahit hindi magtrabaho'y hindi magugutom. Hindi katulad niyang kapag hindi umani'y walang maipangkakain. Malaki naman ang lupain niya, malawak ang taniman. Halos kalahati ng bundok na kinatitirikan ng kaniyang bahay ay
pagmamay-ari niya. Pero kulang pa rin ang perang nakukuha niya sa tuwing umaani. Marami siyang trabahador na mula sa Drita at Hakor.

Nakilala niya si Stella dahil kay Trax. Si Trax na dati niyang kasintahan. May anim na taon na ring hindi sila nagkikita ni Trax. Dahil iyon sa pag-aaway nilang nauwi sa hiwalayan.

Una silang nagkita nang minsang mapadpad si Trax sa malawak niyang taniman. Hubad ang katawan nitong pulos sugat. Hindi maawat ang pagdurugo at tila anumang oras ay kakapusin ng hininga. She saved Trax. Ginamot niya ito sa bahay niya, pinakain at inalagaan.

Noong una'y tanging iyon lang ang intensiyon niya. Pero nang tumagal si Trax sa tahanan niya'y unti-unting nahulog ang loob niya rito. All she wanted was to be with him forever.

She loved him more than anything else. Pero sadyang mapaglaro ang kapalaran, nalaman niyang kakakasal lamang pala ni Trax sa anak ng matalik na kaibigan ng Ama nito. Nagtalo sila dahil doon, hanggang sa iwan siya nito't hindi na kailanman nagpakita.

"Ayaw kong makasira ng pamilya." sagot na lamang niya kay Stellar.

"Pero matagal nang patay si Andra! At alam kong mahal mo pa rin si Kuya kaya maaari pa kayong magbalikan!" If Trax and Uera have a fans club, malamang sa malamang si Stellar ang magiging presidente. Numero unong supporter ito ng nasirang pagmamahalan nila ni Trax.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Arcon: UeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon