Amber POV
School
"Uy Amber may homework ka na ba sa 3D natin? Nakakaloka naman yung pinapagawa sa atin ni Sir Alex."-Nestly
"Hmmmm. Meron na. Pero kailangan ko pa siyang ayusin. May konting flaws pa eh." Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway nang marinig ko ang pagsigaw ng kaibigan ko. Pagpasensyahan niyo na, malakas talaga boses niya. Agaw pansin ba. So yeah. Makakasanayan niyo rin.
"Buti ka pa, ako tinatamad eh. Hahahaha!" -Nestly
"Adik to. Babagsak ka niyan. Gawin mo na. Tuturuan pa kita." Minsan kasi pag tinopak tong kaibigan ko, matindi eh. Kaya kailangan niya ng taga motivate.
"Psh. Mamaya na yan. Ikain na lang muna natin yan. Tara sa Manyaman at lalamon tayo!" Take note with matching actions pa yan. Haha. Sige dahil gutom na rin ako, tara kain!
Nang makarating kami sa Manyaman as usual maraming tao dahil lunch time. Dinudumog yung kainan dito dahil likod lang ito ng school. HIndi lang yun dahil masarap talaga ang pagkain at mura pa. Napag usapan namin na siya na lang ang bibili at ako na ang maghahanap ng mauupuan.Sakto naman at may nakita akong bakanteng upuan. Pero sa kasamaang palad nang papalapit na ako, May biglang lumipad na bag. OO MAY LUMIPAD NA BAG. At lumanding siya sa table na dapat sa amin ni Nestly. Wag niyo nang tanungin paano dahil hindi ko rin alam. Hinanap ko yung taong nagmamayari ng bag but unfortunately, hindi ko siya makita dahil...... nagkumpulan na yung mga gwapong lalaki sa harapan ko at kanya kanya na silang upo. tatlo sila actually.
"Ayos din tong si Nate eh. Akalain mo yun. Ilang tables yung agwat dito. Napalipad niya yung bag niya. Grabe. Sharp shooter! Hands down to Nate! Hands down to Nate!" Guy 1
Agad naman silang nagtawanan. Ako? Nakatayo lang dahil sa kanila. Mga gwapo pero bad boy ang image. Hahanap na lang ako ng ibang pwesto and LUCKILY, sakto may papaalis nang students kaya nakaupo din ako agad.
Oops hindi pa pala ako nakakapagpakilala ako nga pala si Amber Cervantez. I'm taking up MMA. Isa akong bunso sa aming magkakapatid, May dalawa akong kuya si Kuya Patrick na nasa Singapore at si Kuya Nyll na nasa Pilipinas kasama ko. Mga graduate ng Business Admin pero me? Never kong pinangarap na sumunod sa yapak nila kuya at dad. My dad's name is Martin and my mom's name is Bella. My mom is a full time mom but she's also a designer. A interior designer. My age? I'm 19. Best friend ko si Nestly. MMA din siya. Her family owns a photo studio and they have business for cars and their parts. Magka amiga yung mom ko at mom niya. so far yun lng muna.
"our bonggang meal for us! Yes!"-Nestly
Napatingin ako sa inorder niya. Isang order ng sisig at pakbet with 3 rice. Ang sa akin afritada with stirfried baguio beans pero one rice lang. At hindi mawawala ang Mountain dew sa masarap naming pagkain. Oo aaminin namin na we grew up in a filthy rich family pero marunong kaming kumain sa ganitong kainan and mas nagustuhan namin sila kasi mas busog ka at contented ka. Another fact for Nestly, malakas kumain pero hindi tumataba. Perks niya yan.
"Tara kain na. Gutom na gutom na gutom na ako." tinanguan ko lang siya at kumain na. Maya maya pa may lumabas na isang lalaking nakabukas yung polo at may dalang pagkain. madami din. mas marami pa sa order ni Nhet. Para sa group ata nila yun. Mas gwapo siya sa tatlo niyang kasama inaamin ko. Makalaglag panty. Wait, what? Forget what I just said. Patapos na rin kaming kumain. Patayo na kami at madadaanan namin yung group nila. Saktong pagdaan namin. "Salamat pala sa pagreserve sa upuan namin. I owe it to you." Napatigil ako sa paglakad at nilingon ko siya. Nakita kong nakangisi siya. Ghad bakit ang gwapo niya.? Wait, control yourself Amber. "Walang anuman. Pero actually dapat kami yung uupo diyan." Sagot ko naman. Napangiti naman siya. Hindi ko maiwasang hindi mapahanga sa pantay at puti niyang ngipin. "Ah talaga? Pero nauna yung bag ko eh. so Sorry. Better luck next time. Pero if you want libre kang umupo sa LAP ko." Agad namang napanganga ako sa sinabi niya. WTH?
"BASTOS!" agad kong naisagot at binatukan at sinampal yung lalaking yun na agad nagpa agaw ng atensyon sa iba.
"OUCH WHAT THE FUSS?!" sigaw niya. Paano ba naman sit on his lap daw. Hndi ako ganung babae noh! Kapal niya. Dapat lang sa kanya yun. Bastos ng bibig eh.
Agad akong umalis sa Manyaman para mabawasan yung hiya ko. Nakita ko naman si Nhet(Nickname ni Nestly) na kumakain ng kalamares. "Yung totoo may anaconda ba diyan sa tiyan mo at kain ka ng kain?" tanong ko sa kanya." Wag mong pansinin yung alaga ko sa tyan. Nananahimik eh. Bakit ngayon ka lang? Anong ginawa mo sa Manyaman?" sunod sunod na tanong niya sa akin.
"Wala. May bastos kasi na lalaki kanina eh. Sinabihan ba naman akong I can sit on his lap. FOR FREE." sagot ko na agad naman ikina-ubo ni Nhet. "Ku-ya *cough* *cough* sago't gula-man *cough* nga!" dali dali namang binigay ni Kuya.
"weh? sino nagsabi?" tanong ni Nhet
"YUng-" Hndi na natapos yung sasabihin ko dahil may nagsalita. Yung lalaki kanina kasama yung tatlo niyang kaibigan.
"Hey! Hindi mo pa ba tinatanggap offer ko? You can sit on my lap for HOLY CRAP!"
RUN!" agad kaming tumakbo dahil tinapon ko yung inumin ni Nhet sa kanya. Ang bastos kasi.
"Si-no ba ka-si yuhun? ang bastos ng bibig." hingal na tanong ko nang makapunta na kami sa hide out nmin sa campus.
"That's Nate. Nate Alarcon. Hunk ng school yan dito." napalingon ako sa sinabi niya at mas kinagulat ko yung huli niyang sinabi.
"Nagbalik na pala siya sa school at sa ginawa mo for sure hahanapin ka nun for revenge."
I'm doomed.
A/N
Hello! sorry sa late update. huhu. Sana may makapagbasa pa nito. Enjoy!
BINABASA MO ANG
Blossoms of Love
RomanceIsang lalaking hinulog sa langit este hulog ng langit because every girls think he's like a god. The apple of their eye. Matinik sa chicks,mayaman,mahangin,lahat ng may MA. Halos lahat nasa kanya na. Pero eto ang katagang kanyang pinanghahawakan, "l...