A CHAT WITH A GHOST
Chapter 27After 2 days, halos di ako makatulog dahil sina Milky at Cho ay nagsleep over sa bahay. SLEEP over nga pero wala ding effect! Gusto kasi nila akong bantayan baka daw magpakita ‘yung babae. Kasabay ng pagkawala ng babaeng ‘yon ay ang pagkawala din ni Dae.
Ito na ang araw…Kakausapin ko si Dae kung ano ba talagang meron sa’min. Ayokong manatiling ganito. Para lang akong nangangapa sa dilim at tamang hula lang sa mga katanungan sa isip ko.
Bumangon agad ako at naligo. Pagkatapos ay bumaba na ako at nadatnan ko silang dalawa na lumalantak ng almusal na niluto ng mga kasambahay. May mga kasambahay na at gwardiya sa bahay. Ewan ko kay mom. Delikado daw kasi akong maiwang mag-isa. Baka daw may manloob sa bahay.
“Morning Fee!” bati ni Milky. Bumalik na siya sa dati. Noong nakaraang araw, ang lamig niya eh kaya nga naisipan ni Cho na magsleep over. Buti nalang nagkaayos na kami.
“Morning. Magbihis na kayo. Pupuntahan natin si Dae” malungkot kong sabi.
“Wag excited, Fee. Sabi mo nga, hindi aalis ang multong ‘yun doon” sabi sa’kin ni Cho sabay subo ng kanin.
Naupo ako sa tapat nilang dalawa at kumain na din ng agahan. Hindi mawala sa isip ko si Dae. Halos araw-araw akong umiiyak dahil sa kanya. Pagod na pagod na ang mata ko kaluluha. Hindi na ako lumalabas ng bahay dahil tuwing nakakakita ako ng kaluluwa, naaalala ko siya. I badly miss him so much.
Pagkalipas ng ilang oras, umalis na kami sa bahay lulan ng kotse ni Cho. Biglang tumunog ang phone ko. Sinapat ko ito sa bulsa ko at inilabas. Tinignan ko kung anong meron. Text lang pala ng caretaker ng unit na si aling Tess. Binasa ko ito.
Aling Tess: Iha, may multo ba sa unit mo? Tuwing naglilinis ako, kinakabahan ako dahil sobrang lamig sa loob. Mas lalo na sa kwarto mo. Minsan may nahuhulog na mga gamit kahit hindi ginagalaw. Kahapon ganoon ang nangyari, hindi na nga ako makabalik dahil baka atakihin ako sa kaba eh.
Kumunot ang noo ko. Sino naman kaya ang nagpaparamdam sa unit ko? Si Dae o ‘yung babae? I texted her back.
Me: Wala po. Baka guni-guni niyo lang. Maayos po ang kwarto ko.
Aling Tess: Sige iha, pero di ba may namatay na dito? Hindi kaya siya ang nagpaparamdam?
Me: Aling Tess, edi dapat sa’kin siya nagpaparamdam. Kaibigan ko ‘yon eh.
Aling Tess: Sige iha, tatatagan ko nalang ang loob ko.
Napabuga ako ng hangin. Di na ako nagreply. Akala ko nagchat na si Dae. Hinahayaan ko lang bukas ang data ko dahil baka bigla siyang magreply. Napatingin ulit ako sa messages ko sa kanya. Sobrang flooded na at ang hirap i-back read ang huli niyang message pero binack-read ko parin. I’m always doing this non sense thing every time I miss him. Napangiti ako ng mabasa ko ang huli niyang message.
Dae: I will protect you no matter what happened. Galingan mo sa pag-aaral, my Fee. I love you.
Sh!t! Ang sakit! Ito ang message kung saan nasa klase ako. After that day, wala na. Asan na ang sinasabi niyang no matter what happened? Asan na ang ipinangako niyang hindi siya aalis? Asan na lahat niyon?
“Fee, umiiyak ka na naman”
Napatingin ako kay Cho dahil sa puna niya. Tumutulo na naman pala ang luha ko. Agad ko itong pinunasan.
“Sorry. Hindi ko mapigilan” sabi ko.
Napabaling ako sa phone ko. Napahagulgol ako bigla. He just blocked me. Ngayon-ngayon lang. Mukhang ayaw na niya talaga sa’kin.
“Fee, tama na. Nasasaktan kami para sa’yo eh” sambit ni Milky.
Ibinaba ko ang phone ko. I put my both hands on my face and I sob. Kailangan kong ilabas ito. Ayokong umiyak sa harapan ni Dae mamaya. Naramdaman kong tumigil ang kotse at di ko na ito pinansin.
BINABASA MO ANG
A CHAT WITH A GHOST (Completed l Under revision)
ParanormalA girl was met a ghost that made her world up side down using a chat. This story will give goosebumps, blushing effect, terrified, comedy and a little bit thrill that will jumble on your mind. Expect the unexpected...