Sabay kaming kumain sa maliit naming mesa. Tahimik lang kami at tanging ang tv lang ang gumagawa ng ingay. Hindi ko maintindihan kung bakit big deal ang sikretong 'di sasabihin sa akin ni Enzo. Bahala siya, kung ayaw edi ayaw!
Napahikab ako sa pagod. Gusto ko ng matulog. I am so drained because of the long ride. Halos ilang oras akong nakaupo kaya sumasakit ang likod ko.
I stretch my arms and back. Tumayo ako kaya sabay silang napatingin sa akin.
"Uh una na po ako. Inaantok na ako, pagod lang sa biyahe.." nang nakita kong tumango na si mama ay agad naman akong umakyat sa itaas. Narinig ko din ang sabi ni Enzo.
"Mauna na'rin po ako tita, may kailangan lang akong puntahan. Sorry hindi ako magtatagal. Salamat po sa pagkain.." rinig ko rin ang tunog ng mga upuan hudyat na tumayo na rin siya.
"O sige iho, mag-ingat ka ha.." pahabol na sabi ni mama bago ko sinira ang pinto.
Napabuntong-hininga ako at humiga sa kama. I miss this. I miss my bed, the scent here, lahat. Gumulong ako sa kama ng may ngiti sa labi dahil sa saya. I am finally back. Selene Almira Delgado is back.
Hindi naman nag tagal ay hinila na ako ng antok.
Alas sinko na ng hapon ako nagising. Ang aga pa. Kaya napag-isipan kong pumasyal nalang. It has been a long time since I wander here. Bigla akong naexcite sa naisip. Agad akong naligo at nag bihis ng damit. Simpleng spaghetti strap dress na sinamahan ko ng cardigan para protektahan ang sarili sa lamig dahil palubog na ang araw. Matapos kong ayusan ang sarili ay bumaba na ako. Napaangat ang ulo ni mama at kumunot ang noo nito ngunit agad naman ibinalik ang mata sa ginagawa.
"Aalis ka? Saan ka pupunta?" nagpatuloy siya sa pagpupunas sa mga muwebles.
"Gagala lang sana ako ma. Matagal na akong di nakapunta dito. I just wanna go out.." ani ko.
"O sige, balik ka dito bago mag hapunan ha, sabay tayong kakain.." niyakap ko si mama at nagpaalam na.
"Okay po, love you, alis na po ako.." tango naman ito kaagad kaya lumabas na ako ng bahay.
Kanina pa ako palakad lakad sa mercado dahil wala akong maisip na bilhin. I have this feeling that I wanna buy something but I can't identify what is it. Marami akong nagustuhan pero hindi ko naman kailangan. The thought of spending money for my wants is unreasonable. Naalala ko pa ang turo sa akin ni Papa na huwag gagastos kug hindi mo talaga gaano ka gusto or kailangan ang bagay. He taught me how important to save money.
Kasalukuyan akong nasa mga pasalubong banda nang mahagip ko ang bagay na iyon. Mariin ko itong tinitigan. Pamilyar sa akin ang bagay at tila nagulat pa ng makita ito dito. It can't be this, right?
Lumapit ako sa boutique na 'yon at kukuhanin sana iyon pero naunahan ako ng isang babae. Nabaling ang tingin ko sa kanya, naka-awang parin ang bibig ko.
"Bibilhin mo ito miss? If not, then I'll get this.." agad na tanong ng babaeng umagaw bracelet sa'kin. Napakurap kurap ako sa kanya. She's beautiful. Her hair was a little bit curly unlike mine. She was tall but I'm taller, I guess an inch taller? She looks mature and based on how she moves, she looked like model or what?
Tumikhim ang babae kaya nabalik ako sa huwasto. Nakatitig na pala sa akin at hinihintay ang sagot ko.
"Ano?" ani ko kahit narinig ko naman.
"Kukunin mo ba 'ito dahil kung hindi ako ang kukuha.." Natigilan ako saglit sa sinabi niya. No, I'll get that. That was once mine.
"Yes, I'll get that.." confident kong pahayag kaya agad naman niyang binigay sa akin ang bracelet.
BINABASA MO ANG
Kissed by the wind
RomanceKissed by the wind. Axel Montañez and Selene Delgado's story.