"SA BAWAT HALIK NG GABI" -Spg *Part 4*

14.2K 67 0
                                    


Agad akong tumakbo sa kwarto ko. Hindi ko alam kung saan susuot, kaya't tumakbo na lamang ako sa higaan ko binalot ko ang katawan ko ng makapal na kumot. Sinusubukan kong pakiramdaman ang bawat sandali.

Unti-unti namang gumagalaw ang door knob ng pinto ko, halos tawagin ko na lahat ng santo dahil hindi ko naman ni lock ang pinto ko, unti-unting niluwa ng pinto si mama.

"Layla kanina pa kita tinatawag ayos kalang ba?" inis na may halong pag aalala sa tono ni mama.
"Kagi-gising ko lang ma" pag sisinungaling ko sa kanya.
"Sigurado kabang ayos kalang?, aligaga ka masyado." Sabe ni mama.
"Hindi pa siguro ako sanay tumira dito ma" sabe ko nalang at nag umpisa nanaman ang kakaibang hangin na yumayakap sa aking katawan, dahilan para mag takip muli ako ng kumot.
"Layla ano ba! nag kukumot ka sobrang init na nga sa kwarto mo e" pabulyaw na sabe ni mama. Hindi ko alam kung ano o paano ko sasabihin kay mama dahil ako lang pala ang nakakaramdam ng kakaibang dulot ng hangin galing sa bintana na hindi na masara dala ng kalumaan nito.

Mag lalakas loob ko ng aminin kay mama ang lahat ng mga nangyayari sa akin.
"Ma," panimula ko.
"K-kasi a-ano e" medyo mautal kong pag kukwento.
"Ano! " pabulyaw na tanong ni mama.
"May nag ro-" hindi ko na natuloy pa ang dapat kong sabihin ng marining namin ang isang malakas na pag basag pinggan sa may kusina. Agad naman pumunta si mama dun at baka nag babasag nanaman si papa dahil nakainom ito. Sumunod ako upang tingnan pero walang bakas na may nabasag ng na kahit ano.
"Ma narinig natin dito yun diba? " takot na sabe ko kay mama.
"Hindi lang talaga tayo ang nakatira dito" bulong nito pero malinaw sa pandinig ko.
"Ano ma? " pag uulit ko upang masigurado na tama ang narinig ko.
" Sa ibang bahay siguro yun, hayaan na natin" pag sisinungaling ni mama.

Pabalik na ako ng kwarto ko ng yakapin ako ng hangin. Ramdam ko ang bawat init sa kanyang katawan, para akong hini-hypnotized sa tuwing mararamdaman ko ito.
Tara na sa kwarto, isang boses lalaki ang bumulong sa taenga ko. Hindi ko alam pero tumango nalang ako pag sang-ayon sa kanyang gusto.

SA BAWAT HALIK NG GABI -spgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon