"SA BAWAT HALIK NG GABI" -Spg *Part 3*

15.7K 57 0
                                    


Nagising ako ng gabi na akala mo'y ginahasa ako sa itsura ko. Gulong-gulo ako at pilit inaalala kung ito ba'y panaginip o totoo.

tumayo ako sa kama ko upang mag bihis at maligo narin. Isang malakas na hangin nanaman ang dumampi saking mga pisngi.

"Laylaaaaaa" tawag ni mama. Agad akong nag ayos at tinungo kung nasan si mama.
"Bakit ma? " sagot ko kay mama na medyo naguguluhan parin sa mga nangyayari.
"Kanina pa kita ginigising, naririnig ko mula sa labas ng pinto mo ang bawat hagikhik mo" dire-diretso kwento ni mama. Hindi na ako nag pahalata pa sa takot.
"Nanonood kasi ako ma." pag sisinungaling ko nalang.
"O sige na kumain kana. " utos sakin ni mama.
"Busog pa ako ma, maliligo lang ako. " Pag dadahilan ko.

Sa bawat bagsak ng tubig sa aking katawan ay ramdam kong may sumasabay na humawak sa akin. Ganun nalang ang pag ungol ko sa hindi ko malamang dahilan.

"Ugh, Uuggghhh" ungol ko habang nakapikit, para akong hini- hypnotized. Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko at ramdam ko ang pag sipsip niya dito upang mag ka marka ulit ito.

Nagising nalang ang diwa ko ng tawagin ako ulit ni mama.
"Laylaaaa" sigaw ni mama.
"Po? " sagot ko sa kanya.
"Aalis muna ako ikaw na ang bahala dito." Sigaw nito pero hindi na ako muling sumagot pa. Para akong naistatwa ng maalala ang bawat nangyari, ang pag galaw ng mga kamay, ang pag halik, ang pag himas, at- at ang mga marka.
Gulat akong tumingin sa salamin ng mapag tantong may marka nga ako sa leeg, Parang binuhusan ako ng malamig na malamig na tubig.

Sariwa pa ang marka, Ibig sabihin sariwa pa ang halik niya.

SA BAWAT HALIK NG GABI -spgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon