"SA BAWAT HALIK NG GABI" -Spg*Last part*

14.8K 105 28
                                    

Gulong-gulo ako, hindi ko maintindihan ang lahat-lahat hanggang sa unti-unti naring nag bago ang anyo nito at siya, siya yung lalaking matipuno kanina.
Diko alam kung mandidiri ba ako sa sarili ko, agad akong tumakbo papunta sa kwarto ni m-mama? ewan kung sino man siya.
Agad kong binuksan ang pintuan nito at bumungad sa akin ang matipunong lalaki na kanina'y nasilayan ko sa harap ng salamin. Laking gulat naman nito ng iniluwa ako ng kanyang pinto

"Sino kaba talaga!?"SIGAW ko sa kanya. Yumuko lamang ito.
"Layla",tawag sa akin nito.
"Wala ka naman talagang ina."pag papatuloy nito.
Dun nag balik sa akin lahat oo nga pala wala na akong ina namatay siya 3 years ago na kayat ako na lang mag-isa at lumipat ako sa bahay na ito dahil ako lang ang tao at walang kung sinong kapit bahay.

"Mali yata ako sa tanong ko,uulitin ko ano kaba talaga?" sigaw ko muli sa kanya.
"Bahay ko itong tinutuluyan mo at, at hindi ako kauri niyo sabay yuko nito.Kaya pala madalas maraming pag kain at hindi nauubos ang aking pera.
"W-wala ka din ama, lahat isang imahinasyon mo lamang na aking iginawad." nakayukong sabe ulit nito.
"Layla,ako si Juanito."
Unti-unting nag balik lahat sakin bago tuluyang mawala si mama ay may ibinulong siya.
"Juanito."Ikaw yung ibinulong ni mama sa'kin.
"Oo"sa akin ka ipinaubaya ng iyong Ina.
"T-teka ano gaano naba ako katagal dito?"tanong ko kay Juanito.
"Mag-iisang taon na, at b-buntis ka limang buwan na."sabi sakin ni Juanito

_______________________________________________________________________________


Nagising ako sa isang kwarto tiningnan ko ang taong katabi ko si m-mama?
"Salamat sa diyos at nagising kana" sabi ni mama.
"Ma,anong nangyare?"naguguluhang tanong ko kay mama.
"Comatose ka 2 years na simula nung na car accident tayo." Paliwanag sa'kin ni mama.
"Anak tatawagin ko lang yung doctor mo".sabi ni mama.
Lumabas muna si mama para tawagin yung doctor ko. Habang ako tulala, gulong-gulo, panaginip nga ba? o mag kakatotoo palang.

Unang pumasok si mama, at kasunod na iniluwa ng pinto ay ang doctor ko. Base sa pangangatawan ay bata pa ito pero ng Makita ko ang kayang mukha ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig.
"J-juanito?"tawag ko dito.
"Mag kakilala kayo?"tanong ni mama.
At nanatiling naka ngiti lang sa akin si Juanito.

SA BAWAT HALIK NG GABI -spgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon