Jeepney Crush Story

60 1 0
                                    

UNANG SAKAY

Eto na siya. Nakaupo sa harap ko. Nagkasabay nanaman kami dito sa jeep.

Ang cute niya talaga. Napakalinis niya pang tingnan sa clean cut niyang buhok at sa maputi at makinis niyang balat. Naiinggit nga rin ako sa labi niya na di na kailangang lipstickan para maging pink. Bagay rin sa kanya ang suot niyang kwintas na may pendant na guitar pick na yari ata sa silver. Ang hawt!

Ilang buwan ko na rin siyang nakakasabay-sabay sa jeep, hindi man araw-araw pero hindi dumadaan ang isang linggo ng hindi kami nagkakasabay. Tulad ko estuyante rin siya at ang course niya ay related sa pagmamarine. Nalaman ko yun kasi obvious naman sa uniform niya na pang marine. Nakita ko rin sa name pin niya na Auswald ang apelyido niya. Oh diba yamanin. Bagay sa hitsura niya mukhang laking sagana sa buhay. Pero siguro may kaya lang kasi kung super yaman sila edi sana nakakotse siya. Edi sana hindi ko siya nakilala.

Ay oo nga pala, hindi ko naman pala talaga siya kilala, jeepney-mate ko lang siya. Ni baka nga hindi man lang niya alam na may nakakasabay siyang isang cute at magandang  gaya ko sa jeep. Hahaha! Wag sana akong kidlatan.

IKALAWANG SAKAY

Isang beses umusog siya ng kaunti sa harap  nang may sumakay na pasahero kaya hindi na kami magkaharap. Kainis ang ganda pa nung tumabi sa kanya. For all I know sinadya ni ate na dun umupo eh ang luwag luwag naman kasi ng space sa tabi ko dun pa siya umupo. HashtagMedyoMalandi.

Wala lang siyang imik nun at parang wala naman siyang pakialam kung maganda o hindi ang nasa tabi niya as long as nakakaupo siya ng matiwasay. Nakapasak lang ang earphones sa tenga niya at nakikinig siya ng music.

Buong biyahe ganun lang siya, nakikinig ng music sa CP niya. Ito naman si ateng tumabi sa kanya kanina ko pa napapansin na panay ang lingon sa kanya. Titingin sa kanya sabay hahawiin ang buhok. Ala namang epek kay kuya.

Marami nang nagbabaan pero ako, si kuyang pogi at si ateng #MedyoMalandi ay andun parin tsaka may mangilan-ngilan pang pasahero. Bale lumuwag na yung jeep pwede mo na nga itaas paa mo eh. At ang pinakamaluwag na part ay dun sa likuran ni ate. Diba usually kapag maluwag na sa likuran mo mapapaurong ka talaga para maluwag-luwagan ka naman. Pero si ate nunca! Nagsusumiksik dun kay kuya.

Panay ang tingin ko sa kanila pero siyempre hindi ko ipinapahalata. Nakadiretso akong upo pero ang mata ko ang umaaksiyon. Nasa dulong-dulo malapit sa pintuan na ako nun. Umurong kasi ako ng umurong kaya naman sighting na sighting ko na sila.

Parang nakatulog ata si kuya plus nakaearphones pa siya kaya wala siyang kaalam-alam sa mga pangyayari. Si ate! Huling-huli ng CCTV eyes ko na ngumiti! Pumikit! Tapos isinandal ang ulo kay kuya!!! Waaah! Harassment! Rapist! Landeeeeee!

Banas na banas talaga ako nun kaya naman kahit nagbayad na ako ay,

“BAYAD POOOOOO.”

 Nag-abot parin ako ng pamasahe sabay sabi nun ng malakas-as in malakas na kahit yung tipong nakaearphone ka eh maririnig mo.

Jeepney Crush StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon