APNI Part 2: Ang Kulay ng Karagatan

5K 234 22
                                    


NA Takuathung as Cyan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NA Takuathung as Cyan

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Paraiso ni Irano

AiTenshi

June 18, 2019

Part 2: Ang Kulay ng Karagatan

"Alam mo mabait at mapag kawang gawa si kapitan Baltazar, halos ilang taon na rin siyang tumatayong punong gabay dito sa isla. Namatayan siya ng asawa noon, dulot ng pag iisa ay nag sumikap siya kaya gumanda ang kanyang buhay. Ginawa niyang inspirasyon ang pag kawala niya para umasenso. Sa ngayon ang kasama niya sa bahay ang anak niya na si Cyan, mga kasambahay at ako bilang taga pamahala. Malaki ang bahay ni Kap kaya huwag mong isiping makaka sikip ka. Kung hindi ka naman komportableng mag isa sa kwarto ay maaari tayong mag sama sa iisang silid. Maliligayahan ka sa akin, ang ibig kong sabihin ay hindi ka malulungkot dahil may kasama ka." ang wika ni Tibur habang nag ddrive pauwi sa bahay ni Kap

"Ayos lang naman akong mag isa, magulo lang ang isip ko ngayon." tugon ko

"Kaya magulo ang isip mo ay dahil diyan sa buhok mong mahaba, cast away ka ba? O na trap sa isang isla? Hindi ko lubos maisip kung ano ang pinag daanan mo doon sa gitna ng karagatan pero makabubuti kung makapag papahinga ka muna para manumbalik ang katinuan ng utak mo. Heto na tayo, welcome sa bahay ni kap!" ang naka ngiting wika niya sabay hinto sa sasakyan.

Maganda ang bahay ni kap, mayroon itong dalawang palapag at ang mga bintana ay nag lalakihan na gawa sa malalaking salamin, medyo malapit ito sa karagatan kaya mula dito sa aming kinalalagyan ay matatanaw mo ang magandang kulay nito. "Ang mga bintana ay disenyo ni Cyan, ang anak ni Kap. Gusto kasi niya na nasisilayahan ang karagatan. Huwag kang mag alala dahil hindi ito delikado kapag may bagyo. Gawa sa matibay na materyales ang buong kabahayan, kahit mag ka tsunami pa ay tiyak di ito masisira. Tayo na loob para makapag pahinga kana." ang pag yaya ni Tibur.

Isang malalim na buntong hininga naman ang aking pinakawalan habang pumapasok sa tarangkahan ng kanilang bahay. Wala doon ang aking atensiyon kundi nasa tanawin sa kalayuan, nasa karagatan ang aking mata na para bang mayroon itong sinasabi sa akin na hindi ko maunawaan. Parang may isinisigaw ngunit baka nasa isipan ko lamang iyon o guni guni kaya?

Tahimik..

Habang nasa ganoong posisyon ako ay tila may kung anong liwanag ang tumama sa aking mata dahilan para ako ay mapikit at matumba. Bumagsak ang aking katawan sa lupa at kasabay nito ang pag bigat ng talukap ng aking mata. Ang aking utak ay parang panandalian namatay o nag shut down. Narinig ko nalang ang tili ni Tibur na nang hihingi ng tulong sa mga kasambahay habang nag papanic sa aking pag kakabagsak.

Ang Paraiso ni Irano (BXB FANTASY 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon