Chapter 2

681 15 2
                                    

Aly's POV

Nagising na lamang ako sa mahihinang tapik sa pisnge ko.

Vic: God! Nagising ka rin! Nandito na tayo sa Hotel. Sa room na lang natin ituloy yung tulog natin.

Kim: Bilisan niyo diyan, oy! Kanina pa tayo iniintay ni Alexa sa may lobby.

Pagkababa namin ng van ay pinaligiran na agad kami ng mga Guards. Para ngang may riot na dito sa dami ng fans na naghintay sa may tapat ng hotel. Lahat ng madadaanan kong mga kamay na naka-stretch sa direksyon namin ay kinakamayan ko. Malaki na kasi naitulong ng mga fans ko sa akin. They always give me hope and strength, that is why we have the bestest fans in the whole world.

Nang makarating kami sa loob ng hotel ay agad kaming sinalubong ni Alexa.

Alexandra: Gosh, what took you guys so long?! By the way, there's already a room reserved for you guys.

Kim: Soooo, Can we take our damn rest now?

Alexa: Sure. We'll just talk your schedules tomorrow. And Manager M called me, he wants to talk to you guys, tomorrow. Goodnight! Ta taaa~!

Alexa is like our Assistant Manager. So, she's like holding all our schedules. Ewan ba namin kung saan siya nahaligap ni Manager M. Ang sabi kasi ni Manager M sa amin, i-enjoy lang namin yung ginagawa namin. "Don't take it seriously." lagi niya yang sinasabi sa amin. Kaya happy-go-lucky kami minsan, pero sinusunod pa rin namin ang management kahit papaano.

Sumakay na kami sa elevator. Tahimik kaming lahat. Makikita mo kasi na talagang antok pa kaming lahat.

Hindi pa nga pa pala ako nakakapagpakilala sa inyo. I'm Alyssa Caymo Valdez. The Lead Vocal of the band Color Coding.

Ting!

That's the famous sound of the Elevator and that's our go signal.

Lumabas na kami sa elevator. Kahit nasa may loob na kami ng hotel ay may nakasunod pa rin na security sa amin.

Napansin ko na nakapikit yung tatlo habang naglalakad. Parang ewan lang. Hahaha! Kinuha ko na lang yung cellphone ko at pinicturan yung tatlo. Binuksan ko yung Instagram ko at sinumalan ko nang magdownload.

@alyssavaldez: Sleep Walking or Walking Dead? Nobody will ever know. @kimfajardo @gretchenho @vicgalang

Wala pang 1 minute ay sabog na agad ang notifications ko. Bestest fans talaga!

Nakarating na kami sa kwarto namin. Wow. 2 King-sized bed. Ang ganda pa ng ambiance sa loob.

Ako: Ang ganda na sana nung kama, may humiga lang na kutong-lupa.

Chen: Shut up, Valdez. I'm really tired so I don't fucking care about the damn bed and I just want to take my freakin' rest.

Hindi ko na lang pinansin yung tatlo na ngayo'y mahimbing na ulit ang tulog. Hindi pa naman ako masyadong inaantok kaya lumabas muna ako sa may balcony.

Graveeee! Ang daming tao. Yung iba may dala pang mga poster. Hahahaha! Nakakatawa at nakakatuwa yung mga posters nila talagang binigyan ng sobrang effort.

Kumaway ako sa lahat ng tao na nasa baba. Medyo madilim rin kasi 12:45 MN lang naman ho kasi. Pagkatapos ng pag-eentertain ko sa mga fans namin ay pumasok na ako sa loob.

Umupo ako sa sofa don sa may tapat ng isang maliit na lamesa. Sa may dulo, nandun yung gitara ko. Yung pinaka una kong gitara. Ang pinaka paborito ko sa lahat. Niregalo sa akin ito ni Lolo nung nag 13 years old ako. Isang Acoustic Guitar. May designs ito. May ❌ ito sa may ibabang parte ng gitara. At sa may katawan naman nito ay may mga ibon na lumilipad.

Heartbreak GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon