The Serial Killer

4 1 0
                                    

Malalim na ang gabi, tulog na halos ang lahat ngtao sa kapitbahay at maging sina mama at papa ay tulog narin.

Mag aalas 11 na ng gabi pero heto ako't gising na gising parin. Rinig kopa ang mga atungal ng mga aso sa kapitbahay. Madalas naman akong matulog ng maaga, pero hindi ko alam kung bakit hindi ako inaantok ngayon. Nagkape kasi ako kanina pagdating galing sa trabaho, iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ako dinadalaw ng antok.

Dumungaw ako sa bintana ng aking kwarto, may nakita akong taong dumaan. Dahil sa gabi na ay hindi ko na naaninag ang wangis nito.

Maya-maya'y may narinig akong malakas na kalampag sa ibaba. Nasa ikalawang palapag kasi ng bahay ang kwarto ko kaya hindi ko alam ang nangyayari sa ibaba.

"Sino ka!? Aaaaaaaaaaaaaa" boses iyon ni mama. Nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan. Gusto ko mang silipin ang nangyayari sa ibaba ay wala na akong lakas ng loob.

"Papatayin kit--a!" at ang boses na iyon, boses iyon ni papa. Boses na parang namimilipit sa sakit at tila ba babawian na ng buhay.

"Ma--hal? MAHAL!!"

Mga ilang sandali pa ay nakarinig ako ng marahang hakbang sa hagdanan. Papunta ito sa kinaroroonan ko.

Sa takot ko ay nagtungo ako sa aking kabinet at doon ay isiniksik ko ang aking sarili. Kinapa ko ang bawat sulok, nagbabakasakali akong may makita akong bagay na maaari kong gamiting laban sa kung sino man ang taong nandirito sa bahay namin.

Sa aking paghahanap nakapa ko ang aking softball bat. Hinawakan ko ito ng maigi. Kung sakali ay ihahampas ko ito sa kung sino mang magtatangka sa aking buhay.

Ang mga yabag ng paa ay papalapit ng papalapit sa aking kinaroroonan. Mga ilang sandali pa ay bumukas ang aking pinto. Bahagya kong binuksan ang aking kabinet para makita kung sino ang nasa loob ng aking silid.

Kahit takot na takot na ako ng mga oras na iyon, kahit hindi ko malaman ang aking gagawin, nilakasan ko parin ang aking loob. Sa pagsilip ko mula sa aking pinagtataguan, nabigla ako sa aking nasilayan. Nakita ko ang aking ina na puno ng saksak. Pinipilit niyang maglakad habang umaagos ang dugo sa buo niyang katawan.

Lumabas ako sa kabinet at dali daling inalalayan ang aking ina sa kanyang pagbagsak.

"Ma?"

"A--nak" pinipilit niyang magsalita. Para bang may nais siyang sabihin.

Hindi ko malaman ang aking gagawin. Habang umiiyak at kalong kalong ang aking ina. Muli akong nakarinig na yabag ng paa pataas ng hagdan.

Sino ang taong iyon? Bakit niya ito ginagawa? Mga tanong na ibig kong masagot ngunit, paano?

Kahit humihingalo si mama pinilit niya paring muling nagsalita.

"A--nak-- Ta-- TAKBO!?" hanggang sa tuluyan na ngang nawalan ng hininga ang aking ina.

Hindi man gaanong mabigkas ni mama ang mga katagang iyon, malinaw sa aking isip na ibig niyang lisanin ko na ang silid na iyon.

Agad agad ay nagtungo ako sa bintana. Binuksan ko iyon at habang papalabas na ako narinig kopang nagsalita ang taong iyon.

"Uubusin ko kayo!"

Hindi kona hinintay na makapasok siya sa silid na iyon. Dali-dali akong tumalon sa aking bintana papunta sa balkunahe. Kung saan ko naman nakitang nakahandusay si papa sa sahig. Naliligo siya sa sarili niyang dugo. Gusto ko mang lapitan siya para yakapin ay hindi ko magawa.

"Hindi ka makakatakas sakin!"

Nakita kong pababa na siya ng hagdan.

Tumakbo ako papalayo sa bahay. Tumakbo lang ako ng tumakbo, ni hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang makalayo at iligtas ang aking sarili.

Nang malayo na ang aking natakbo, hindi ko narin makita na sumusunod pa ang taong iyon.

Kaya't huminto na muna ako. Tiningnan ang buong paligid. Napakatahimik, at tila ba walang kataotao sa buong compound. Hindi narin ako halos makahinga sa kakatakbo. Hingal na hingal nako at pagod narin ang mga paa ko, ni hindi ko nga ito maihakbang pa.

Nang mga oras na iyon muling pumasok sa isip ko ang kalunos-lunos na sinapit ng aking mga magulang.

Sino naman ang gagawa ng ganun sa kanila samantalang wala naman akong kilalang kagalit nila o hindi kaya'y kasamaan ng loob.

Tiningnan ko ang aking relo alas 12 na. Sa loob ng isang oras ay tila ba napakaraming nangyari.

Maya-maya pa'y naramdaman ko ang pagpokpok sa ulo ko ng kung anong matigas na bagay.

"Huli ka" nakatawang sambit ng taong pumalo sa ulo ko.

Unti-unting nandilim ang aking paningin. Ngunit bago ako tuluyang mawalan ng ulirat sinubukan kong tingnan kong sino ang salaring ito.

"Sino ka?! Ba--kit?!!" At tuluyan na akong nawalan ng malay. Paggising ko kinabukasan nasa ospital na ako.

BREAKING NEWS:
ISANG DALAGITA SINUGOD SA OSPITAL MATAPOS MAPAG-ALAMANG INATAKE NG ISANG HINDI KILALANG LALAKI. PINOKPOK DI UMANO ANG DALAGITA NG BATO SA ULO, NA KASALUKUYANG NAGPAPAGALING NGAYON. ANG MGA MAGULANG NAMAN NG NASABING DALAGITA AY PATAY MATAPOS TADTARIN NG SAKSAK NG SUSPEK. AYON SA IMBESTIGASYON ANG SUSPEK AY HINIHINALANG MAY SIRA SA ULO.

SA NGAYON AY PINAGHAHANAP PA ITO NG BATAS.

"Hindiiiiii !!?? Mama? Papa?"

SCARY COLLECTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon