Larawan

7 1 0
                                    

"Anak bilisan mo na at baka abutan tayo ng dilim sa byahe!" pagbubunganga ng mama ko.

"Andyan na po!" turan ko habang pababa ng hagdan.

Pupunta kami ngayon sa bahay ng lola ko. Birthday niya kasi kaya naisipan naming i-surprise siya. Medyo may kalayuan ang lugar kaya maaga pa kaming umalis.

"Ba't ba ang tagal mo?"

"Hinanap ko lang yung charger ko ma." wika ko habang papasok ng sasakyan.

Pagkalipas ng mahabang byahe, nakarating na kami sa wakas sa bahay ni lola. Medyo luma na rin ang bahay at halatang hindi na gaanong nalilinis dahil sa si lola na lang mag-isa ang nakatira dito. Matanda na rin ang lola ko, pero ayaw niyang iwan itong bahay dahil sa nandito raw si lolo. Actually 10 years ng patay ang lolo ko pero feeling ni lola kasama pa niya ito. Paano naman kasi sa sala ng bahay makikita mo ang napakalaking larawan ni lolo. Kamangha-mangha kung paano ito ipininta dahil sa wangis nito na tila ba parang si lolo talaga.

"Happy Birthday Ma" bati ni mama kay lola na ginantihan naman nito ng ngiti.

"Happy Birthday po lola" bati ko sabay halik sa pisngi nito.

"Ito naba si Grace?" tanong niya.

"Opo ma" sagot ni mama.

"Aba ang laki mo na ah, at napakaganda pa" turan niya.

Matagal na rin kasi na hindi ako nakakadalaw sa kaniya dahil sa abala ako sa aking pag-aaral.

"Halina kayo sa loob"

Pagpasok sa loob ng bahay, nakakaagaw pansin talaga ang litrato ni lolo. Para bang sinisundan ka niya ng tingin. Nagsitaasan ang balahibo ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Tumuloy na ako sa aking silid, habang sila mama at lola naman ay nagluluto ng hapunan sa ibaba.

Pagkatapos ng hapunan ay nagkwentuhan muna kami. Hindi ko maiwasan na palaging mapatingin sa larawan ni lolo. Ako lang ba ang kinikilabutan sa larawang ito? Dahil sa "curious" talaga akong malaman ang tungkol sa larawan iyon minabuti kung isingit ito sa usapan.

"Lola?" pagsisimula ko.

"Ano iyon apo?" tanong niya habang nakangiti.

"Iyon ho bang larawan ni lolo sa may sala sino ho ang nagpinta nu'n?" tanong ko?

"Ako ang gumawa nu'n." wika niya habang nakangiti.

Hindi ko alam na marunong pala magpinta si lola. Wala rin akong nakitang ibang painting sa bahay maliban dun sa larawan iyon ni lolo.

"Nagpipinta po pala kayo lola?" tanong ko sa kanya.

"Hindi apo, hindi ko ipininta iyan" tumayo siya sa kanyang kinauupuan.

"Po? Kung ganun kayo po ba ang kumuha ng larawan?"

Umiling siya, "Yan ay mismong siya. Pinatay ko siya at inilagay dyan sa loob ng frame. Hindi ba't napakaganda?" tumingin siya sa akin at ngumiti.

Nagulat ako sa naging tugon ni lola. Tiningnan ko si mama, tila ba napakaseryoso niya. Tumayo ang balahibo ko sa takot. Hindi ko akalain na maririnig ko iyon mula kay lola. Kaya ba sinasabi niyang hindi nawala si lolo at nandito lang sa bahay?

"Ku--ng ga--nun?" natigilan ako sandali. Muli kong tiningnan si mama at nakita ko na yumuko siya.

"Ma?" tinaas niya ang kanyang ulo at nakita kong nagpipigil siya ng tawa.

Halos maiyak nako sa takot. Muling nagsalita si lola.

"Apo, nagbibiro lang ako." turan nito habang tumatawa.

Hindi narin ni mama mapigilang humalakhak.

"Anak ang painting na iyan ay gawa ng lola mo. Totoong painting iyan at binibiro ka lamang niya." pagpapatotoo ni mama sa sinabi ni lola.

Hanggang sa pag-uwi namin sa bahay ay inis na inis parin ako sa birong iyon. Halos maihi nako sa salawal ko sa takot tapos nagbibiro lang pala sila.

Pagdating sa bahay agad akong naupo sa sala. Pumasok naman agad si mama sa kwarto niya. Pagbukas niya ng pinto sa kaniyang kwarto nakita ko ang litrato ni papa. Hindi ko iyon halos makita dahil sa madilim ang kwarto at pinagbabawalan rin ako ni mama na pumasok doon dahil sa baka may mawala raw sa mga gamit niya. Pero familiar talaga yung picture na iyon eh. Hindi dahil sa si papa iyon, pero parang nakita ko na ang litratong tulad nu'n.

"Katulad ng sa bahay ni-- lola?"

SCARY COLLECTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon