The Scare Crow

5 1 0
                                    

Madalas nating makita ang mga scare crow sa palayan esp. during planting season kung saan ang mga pananim ay nagsisimula ng mamunga. This helps na maitaboy ang mga peste sa pananim na maaring magdulot ng pagkasira ng mga ani. Usually ang ginagamit nating scare crow ay yung mga hindi na ginagamit na damit at isinusuot sa tau-tauhan gawa sa kawayan at kung anu-ano pa. Pero saan nga ba nagsimula ang paggamit ng scare crow bilang panaboy sa mga peste ng pananim?

Noong unang panahon, ang pangunahing ikinabubuhay nga mga tao ay ang pagtatanim kabilang na dito ang pamilyang MARTIREZ. Isa sa masasayang libangan ng pamilya ay ang pagtatanim ng mais. Taon-taon ay sagana ang kanilang ani, ngunit dumating ang matinding dagok sa kanilang buhay. Nagkaroon ng matinding epidemya na naminsala sa buong lalawigan. Isang uri ng pesteng hindi mapuksa puksa ng kahit na anong kemikal. Isa sa mga naapektuhan ay ang pamilyang MARTIREZ. Patuloy na pinipinsala ng mga peste ang kanilang taniman. Hindi na malaman ng padre de pamilya ang kanyang gagawin. Unti-unti ng nasira ang kanyang ulo hanggang sa umabot na sa puntong napagbubuhatan na niya ng kamay ang kanyang asawa't mga anak dahil sa sobrang depression, hanggang sa tuluyan ng nasira ang ulo nito. Napatay niya ang kanyang mag-ina. Sa pagkabigla sa nangyari hindi niya malaman ang gagawin. Ang nanlalamig na bangkay ng kanyang pamilya ay dinala niya sa gitna ng taniman. Ibinaon niya ang mga ito dito at umalis siya kalaunan. Malalim na ang gabi kaya't walang nakapansin sa mga kaganapan. Sa paglipas ng mga araw unti unting nabulabog ang gabi ng padre de pamilya, bukod sa hindi pa nasusolusyunan ang kanyang prolema sa pananim, tila may kakaibang kababalaghan na nangyayari sa kanyang taniman. Isang gabi naisipan nyang silipin at tuklasin kung ano ang nagyayari sa maisan. Habang binabagtas niya ang kanyang taniman nakita niya ang isang babaeng nakatayo sa may maisan, nanindig ang balihibo niya sa mga nasilayan ng kanyang mga mata. Tila ba pinaglalaruan siya ng kanyang mga mata. Ang nakita niya babae ay ang asawa niyang ilang araw ng patay, pumatak ang luha niya sa pagsisisi sa kanyang mga ginawa. Paglipas ng ilang sandali may napansin siyang gumagalaw sa kabilang banda ng maisan para bang gumagapang ito papalapit sa kanya at ng lubos na niya itong masilayan nakita niya ang dalawang anak na tila nanlilisik ang mga mata sa galit. Napaatras siya sa pagkabigla na siya namang naging dahilan kung bakit bumaling sa kanya ang tingin ng asawang noo'y nakaharap sa kabilang direksyon. Unti-unting lumapit sa kanya ang mga ito, biglang pumasok sa isip ng padre de pamilya ang kanyang pagkakamali. Ngunit bago pa man siya makaalis sa kinatatayuan ay mabilis na lumapit sa kanya ang bangkay nyang mag-iina. Nilamon siya ng takot napasandal na lamang siya sa kawayang nasa kanyang likuran. Paglipas ng mga araw hindi na nabalitaan pa ang magpamilya. Usap-usapan sa buong lalawigan na lumipat nalang ang mga ito ng ibang lugar. Ngunit ang totoong nangyari ay nanatiling misteryo. Isang buwan ang lumipas at may napadaang mag asawa sa taniman ng mais ng mga MARTIREZ. Nakita nila na nakatusok sa isang kawayan ang isang hugis taong nakadamit. Napansin din nilang ang taniman ay walang anumang bakas ng peste.

"Mahal ba't hindi natin gayahin ang istilo ng may ari nitong maisan. Marahil ay natatakot ang mga peste sa kawayang binihisan naparang tao."

"Sige mahal"

Dahil sa may kalayuan ang bahay at taniman ng mga MARTIREZ ay hindi napansin ng napadaang mag asawa na ang hugis taong nakatusok pala sa kawayan ay mismong ang padre de pamilya ng mga MARTIREZ.

Simula noon ay naging epektibo na ang paggamit ng scare crow bilang panaboy sa mga pesteng dumadapo sa taniman.

SCARY COLLECTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon