Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Chapter One - Homecoming

131K 2K 68
                                    

Nabigla ako sa isinalubong na balita ni Ate. Dumating daw si Trond, ang masungit niyang bayaw at mananatili na raw ito sa Oslo nang matagal-tagal. Binili raw nito ang lupa't bahay ng mga Bjork na nasa kabilang village lang. Ngayon nga raw ay pinapa-renovate ito.

Nag-alala kaagad ako dahil baka palayasin niya ako sa ancestral house nila ngayong nakabalik na siya ng siyudad. Kilala ko ang lalaking iyon. Basta alam niyang nakapagpasaya sa akin ay inaagaw niya o hindi kaya'y sinisira para hindi ko na mapakinabangan. Noong mga tinedyer pa kami, binato niya ang TV nang ayaw kong ilipat ang channel sa football game na gusto niyang panoorin. Noong grumadweyt ako ng college at regaluhan ako ng kuya niya ng laptop, nagalit siya. Para makaganti, sinadya niyang tapunan iyon ng kape habang sumaglit ako sa banyo para magsipilyo. Ganoon siya ka walanghiya. Ang ate ko naman dedma sa mga sumbong ko. Papaano kasi, sobrang sweet ang damuho sa kanya. Hindi niya alam na suyang-suya ito sa mga Asyano at pakitang-tao lang ang pagiging malambing sa kanya.

"Sabi ni Hans naghiwalay na raw si Trond at Kirsten kaya hindi na matutuloy ang kasal. Buti nga dahil hindi kami botong mag-asawa sa babaeng iyon. Hindi siya karapat-dapat kay Trondie," patuloy pa ni Ate.

Trondie. Ganoon ang tawag ni Ate sa damuho. Minsan nga pakiramdam ko mas mahal niya pa iyon kaysa sa akin na nag-iisa niyang kapatid.

"Akala n'yo naman prinsipe ang lalaking iyon na lahat na lang hindi nababagay sa kanya. Well, sa isang banda, may point din naman kayo. Wala ngang nababagay ro'n dahil wala naman siyang kwenta," naiinis kong sagot. Sinimangutan naman ako ni Ate.

"Iyan ang lagi kong sinasabi sa iyo. Bawas-bawasan mo iyang talim ng dila mo. Baka nakalilimutan mong nang dahil sa kapatid niyang si Hans nakapunta tayo pareho rito sa Norway," pagpapaalala pa niya.

"Kung si Kuya Hans lang, walang problema sa akin. I like him a lot. Mabait siyang tao. Kung bakit naman kasi sa dinami-dami ng magiging kapatid si Trond pa! Ano bang nagawang kamalian ni Kuya sa past life niya at biniyayaan siya nang ganoon ka walang hiyang kapatid?" himutok ko.

Napangisi si Ate. Iyong tipo na hindi naniniwala sa mga sinasabi ko.

"Tumigil ka na nga sa drama mo riyan. Baka malaman ko na lang isang araw, you're falling for him na," panunudyo niya sa akin.

Nagpanting ang tenga ko.

"What? Ako? Magkakagusto sa damuhong iyon? No way! Over my dead body! Hindi pa naman ako desperada, ano!"

Lalong lumawak ang ngisi ni Ate.

"Masyado ka namang defensive," ang sabi pa. "We'll see..."

Sumimangot na ako. Tinapunan ko siya nang matalim na tingin at nagpatuloy.

"Ano naman ang drama ng mokong na iyon at bumabalik pa rito? Akala ko ba ay roon na siya sa Bergen mananatili for good?" tanong ko na lang para maiba ang usapan.

"I heard he has a new job offer. Siya yata ang nakuhang engineer para sa itatayong bagong hospital sa siyudad. We hope na dito na siya manirahan for good para naman mas malapit siya sa amin. Alam kong nami-miss din siya ng kuya niya. Parang tayo rin. Kapag matagal kang nawawala sa paningin ko kahit may kasungitan ka, nami-miss din kita kahit papaano."

"Pinoy naman kasi tayo, e. We're family oriented. I didn't know na may ganoon din sa mga Norwegian. Ang arte talaga ni Kuya Hans."

Natawa si Ate.

"Para na rin kasi niyang anak si Trond. Halos twenty years kasi ang agwat nilang dalawa. Siya ang nag-alaga sa batang iyon since he was a baby."

"Kahit na. Ang batang iyon ay almost thirty years old na for crying out loud!"

MY NORDIC GODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon