Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter Five - Crazy door

66.8K 1.3K 40
                                    

Bumalik ako sa nurses' station na sumisinghot habang inaayos ko ang nabasang buhok at uniporme. Nagtaka ang mga kaibigan ko lalo na ang mga Pinay.

"Ano'ng nangyari sa yo?" tanong ni Myra.

"Tinarayan ako ni Mrs. Jensen. Sinabuyan pa ako ng tubig," sagot ko sa mahinang tinig.

"Bakit?" tanong uli nito.

"Nagwala nang malaman niyang hindi niya kalahi ang nagpapalit ng IV fluid niya. Pinaghahampas niya ang ulo ko habang kinakabit ko sa kanya."

"Malakas naman pala, e. Ba't pa siya nagpa-admit? Sana diniinan mo ang pagturok," naiinis na sagot ni Myra at binigyan ako ng tissue para pampunas sa nabasang mukha.

Nagpapahid pa ako ng luha nang may pamilyar na bultong lumapit sa nurses' station. Si Trond! Ano'ng ginagawa niya rito? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Nataranta si Myra nang makita si Trond. Pati ang isang Norwegian nurse ay napatigil saglit sa pakikipag-usap sa kung sino man sa kabilang linya ng telepono at sumulyap sa direksiyon ng kumag.

"What happened to you?" tanong nito agad sa akin.

"N-nothing," sagot ko naman sa mahinang boses at iniwas ko ang mga mata sa kanya.

Napalingon sa akin si Myra. Parang nagtatanong ang mga mata kung paano ko nakilala ang hot guy na kaharap. Hindi ko siya pinansin. Kunwari, hindi ko siya naintindihan. Hinarap ko si Trond at tinanong kung bakit siya naligaw sa ospital.

"I just want to check whether there's a certain Peter Johansen admitted to this hospital."

"Just a moment, sir. Let me check." Si Myra na ang sumagot. "May I know your relationship with the patient?" tanong nito habang tsinitsek sa computer monitor ang sinabing pangalan.

"He's one of my workers. I just want to make sure that he's telling the truth," sagot naman agad ni Trond. Napasulyap siya ulit sa akin. Yumuko ako.

"Okay, he's in room 301."

"Thanks," nakangiting pasasalamat niya at umalis na.

Bago siya nakalayo nang tuluyan, tumingin sa akin si Myra at kilig na kilig na nagsabi ng, "Ang guwapo niya!" Nagtititili ang bruha. Kinurot ko siya agad. Ako ang pinamulahan nang makita kong napalingon sa amin si Trond. Shit! Narinig niya yata.

"Gaga ka ba?" anas ko sa kaibigan. "Nakakaintindi iyon ng Tagalog! Bruha ka talaga."

"What?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Myra. Wala na sa paligid si Trond no'n.

"Yeah," nakasimangot kong sagot. "Siya ang sinasabi kong masungit na bayaw ng ate ko. Nagtanong ka man lang sana."

"Tinanong nga kita, hindi ba?"

"Alangan namang sagutin kita sa harapan niya. Hay, naku. Tiyak na lalaki na naman ang ulo no'n. Mayroon na naman siyang ipagmamalaki sa akin."

"Iyon pala ang housemate mo! Ang swerte mo naman. Naiinggit tuloy ako sa iyo," at napahagikhik ito. Pinagkukurot pa niya ako.

"Anong maswerte ka dyan? Ang malas ko nga, e!"

"Sus! Kunwari pa ang ale. Kilig na kilig naman."

Sinimangutan ko siya.

**********

Sinundo na naman ako ni Olav nang mag-uwian na. Hindi uli ako nakatanggi. Tinukso na naman ako ng mga kasamahang Pinoy. Hindi ko na lang sila pinansin.

Sayang at wala si Trond nang dumating kami sa bahay. Gusto ko sanang ibalandra sa pagmumukha niya na may nag-e-effort na sumundo sa akin kahit gabihin ako sa trabaho. Ilang beses na niya kasi akong nilait na kaya single pa rin ako at twenty seven ay dahil walang nagkakamaling manligaw sa akin because I was grumpy and moody.

MY NORDIC GODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon