Ang bilis ng mga pangyayari. Bago ko pa namalayan, kinuyumos na niya ako ng halik. Na-shock ako. Napaawang ang mga labi ko na sinamantala naman niya. Natuliro ako, pero nanaig ang silakbo ng aking damdamin. Napayakap din ako nang mahigpit sa kanya at nakipagtagisan ng halik. Napakislot lang ako nang dinaklot niya ang aking pang-upo at diniin ang pang-ibaba ro'n sa puson ko. Lalo akong nawala sa sarili nang maramdaman ang tila kumakawalang matigas na bagay sa kanyang harapan. Nanlambot ang mga tuhod ko at halos mabaliw ako sa sensasyong nadarama.
Naramdaman kong tinaas pa niya ang kanang binti ko para ilagay sa bewang niya. Ngayo'y damang-dama ko na ang init ng kanyang pagkalalaki. Napaungol ako at hindi ko na siya hinintay na siyang magtaas ng kaliwa kong binti at maglagay no'n sa baywang niya. Ako na mismo ang nagkusa. Tupok na tupok na kasi ako sa pagnanasa. Palagay ko ano mang oras ay sasabog na ako. Kaya nabigla ako nang tumigil na lang siya nang walang hudyat. Napaungol ako na tila nagpoprotesta. Nang idilat ko ang aking mga mata, nakita ko siyang titig na titig sa mukha ko. Nahagip pa ng aking paningin ang ngiti sa kanyang mga mata. Ngiti ng isang lalaking nagtagumpay. Dahil do'n nag-init ang mukha ko. Parang gusto kong bumuka ang sahig at magpalamon na lang don'n dahil sa tindi ng hiyang nadarama.
"I can have you right now, right here, but I won't," mahina niyang pahayag. Nagmamalaki. Kalong-kalong pa rin ako. "Sorry. I don't go for an Asian chick. I am not that stupid, yet. I am not like my brother," mahina ngunit mariin niyang sabi.
Napahumindig ako sa narinig. Buong lakas ko siyang sinampal na ikinabigla naman niya. Natakot ako nang makita ang pagdilim ng kanyang anyo.
"You bitch!" At kinuyumos na naman ako ng halik. Iyong halik na nagpaparusa. Ngayo'y binagsak na niya ako sa kama at kinubabawan. Pinunit pa ang manipis kong night dress pati na ang kaisa-isa kong saplot sa pang-ibabang bahagi ng aking katawan.
Marahas ang mga kamay niya habang humahaplos sa aking kaselanan. Nasasaktan na ako. Inaamin kong matagal ko nang pinagpapantasyahan ang ganitong eksena sa pagitan naming dalawa, pero hindi sa ganitong paraan. Hindi ito ang pangarap ko.
"T-Trond, no. P-lease don't," pagsusumamo ko sa mahinang boses. Halos pumiyok na ako.
Akala ko hindi niya ako narinig. Pero mayamaya'y naramdaman kong bumaba siya ng kama. Nang idilat ko ang aking mga mata, nakatayo na siya sa paanan nito. Nakatitig sa akin. Naka-stand at attention pa rin na parang sundalo ang kanyang 'little monster,' pero mukhang kontrolado na niya ang sarili. Kaagad kong tinakpan ang katawan nang mapagtanto na wala akong ni ano mang saplot. Dahan-dahan akong bumangon. Tsaka naman siya dali-daling lumabas ng kuwarto. Binalibag pa niya ang pintuan.
Umiyak ako. Ang sama-sama ng pakiramdam ko. He made me feel so cheap. Ngayon ko na-realize na wala nga siya talagang respeto sa akin.
Kinabukasan, inagahan ko ang gising. Kailangang unahan ko siya. Dapat makaalis ako bago pa man siya magising. Hindi ko na siya kayang harapin. Wala na akong maipagmamalaki pa sa kanya.
Nagsisipilyo na ako ng ngipin sa banyo nang biglang may bumukas ng pintuan nito. Pumasok siyang halos nakapikit ang mga mata. Parang hindi niya ako nakita. Dumeretso kasi siya sa toilet bowl na nasa may unahan ko lang. May nilabas sa shorts. Shit! Ni hindi man lang tumitingin kung may tao. Dali-dali akong nagmumog at tumakbo palabas, pero parang sirang plaka na pabalik-balik sa isipan ko ang ano niyang nahagip ng tingin ko. Hindi na nga ako pinatulog no'n kagabi, tapos iyon pa uli ang una kong makikita sa umaga. Nakakainis!
Hanggang sa trabaho hindi ko makalimutan iyon kung kaya ilang beses akong nagkamali. Imbes na ugat ng pasyente ang dapat tusukin, dumaplis ito at napunta sa laman. Napasigaw tuloy ang bruhang si Mrs. Jensen. Nahampas na naman niya ako sa ulo.
"Wala kang kwentang nurse!" sigaw nito sa akin sa lenggwahe nila. "Get out!"
Pinindot nito ang button ng nurses' station. Mayamaya lang ay humahangos na pumasok ang head nurse naming Norwegian.
BINABASA MO ANG
MY NORDIC GOD
ChickLitTrond Knudsen's arrogance is challenged when he meets the idealistic Filipina, Ysay Vergara. With attitudes and beliefs clashing--and hearts despising each other from the very beginning--will love still be possible between these two polar opposites...
Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte