Chapter 2

4 2 0
                                    

Chassedy POV

Pagkauwi ko sa bahay after class ay sumalampak agad ako sa kama ko. Kapagod tong araw na to.


Kinuha ko agad yung phone ng mapansin kong nagvibrate to. I recieved a text message from Ri tinatanong kung kamusta ako.  Nagreply ako sakanya na ayos lang ako. Naging gawain na niya talaga na mag text after ihatid ako sa bahay.


Nagscroll ako sa facebook ko at kung minamalas nga naman e dumaan pa sa timeline ko yung bagong profile ng ex ko. I don't know why until know di pa din ako nakakamove on. Tinitigan ko ang profile na magkasama sila ng girlfriend niya ngayon. They look so happy. Hanggang ngayon iniisip ko pa din na sana ako pa din yung kasama niya.


Naging malaking impact sakin ang paghihiwalay. Kababata ko yun, naging bestfriend ko hanggang sa nagkaron kame ng relasyon. Kaya ganon nalang ang epekto ng paghihiwalay namin sakin.



Sobrang close namin, kilala na namin ng sobra ang isat isa bago pa man naging kami. Nung magkaroon kame ng relasyon, we almost had the perfect relationship. Kaya di ko alam kung anong nangyare. Di ko alam kung ano yung naging mali.


Iniwan niya lang ako ng biglaan, sinabi na hindi na katulad ng dati ang nararamdaman niya sakin. Hindi ko matanggap hanggang ngayon. After non di na kame nag usap. Sinabi pa niya na walang iba pero kitang kita ko na may iba.


"Stop thinking about him Chassedy please" naiiyak na pakiusap ko sa sarili ko. Sa sobrang pagod at pati na rin sa pag iisip ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako.


Pagkagising ko ay 10 na ng gabi. Nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba na ako sa kusina namin. Sobrang sakit ng ulo ko.


"Ate bat namamaga mata mo?" Tanong ng nakababata kong kapatid sakin. Tumingin agad ako sa salamin namin at nakita kong namamaga na naman ang mata ko. Not again.


"Wala to." Di ko na naman napigilan umiyak kanina. Lagi nalang ba. Tama na Chassedy.


"Bakit nga pala gising ka pa?" Pag iiba ko ng usapan. Nagkibit balikat lang siya at tinuloy na ang pagcecellphone niya.


Kinaumagahan ay ganon ulit ang nangyare. Inaantok pa ko pero rinig na rinig ko na ang boses ni Ri na sinisigaw yung pangalan ko habang papunta dito sa kwarto ko.



"CHAAAAAAAD. GIIIIIISSSSIIIING" half day lang ang pasok namin at pang umaga kami ni Ri. Bumangon na ko sa kama ko bago pa maabutan ni Ri na nakahiga ako at magtatatalon na naman yon sa kama ko.


"Gising ka na?" Nagtatakang tanong niya ng makapasok sa kwarto ko.


Natawa ako sa tanong niya. "Tulog pa ko Ri, di lang halata" natatawang sagot ko sakanya.


"Bumaba ka nga muna don mag aasikaso na ko." Sumunod naman si Ri sa sinabi ko. Pero pagkaalis niya ay nakita kong may iniwan siyang papel sa may kama ko.


Smile :) walang magandang mangyayari kung iisipin at iisipin mo lang siya. Malulungkot  ka lang. Andito ako Chad. Di ka nag iisa, di kita iiwan :)


Ri's message made me smile.

The Month of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon