RILEY'S POV
"CHASSEDYYYYYYY WAKE UPPPP!!!" Nagtatatalon ako dito ngayon sa kama ni Chaseedy kase kanina ko pa siya ginigising pero hanggang tulog pa rin siya.
"MALELATE NA TAYO CHASSEDY IT'S OUR FIRST DAY!"
Di ako tumigil sa pagtalo sa kama niya para talaga magising siya and finally nagising nga."STOP IT I'M STILL SLEEPY" Reklamo niya kaya ang ginawa ko naman para tuluyan na siyang magising ay yinugyog ko yung katawan niya kaya hinampas niya saakin yung unan niya sa sobrang inis.
"Isusumbong kita kay tita." Dahilan para mapabalikwas siya sa bangon. Tsk. Dapat pala kanina ko pa ginawa.
"Sumbungero" nakangusong sabi niya. "Lumabas ka na ng kwarto ko maliligo na ko."
Lumabas na ko ng kwarto niya para makapag ayos na siya. Inantay ko siya sa sala nila habang naglalaro muna sa phone ko.
"Riley" Biglang nagsalita yung mama niya.
"Pagpasensyahan mo na si Chassedy, matagal talaga kumilos yon" natatawang sabi ni tita sakin.
"Okay lang tita sanay na ko" Umalis na yung mama niya non kaya pinagpatuloy ko nalang yung paglalaro sa phone ko habang inaantay si Chassedy.
Pagkatapos ng isang oras ay nakababa na si Chassedy.
"Ang bilis mo mag ayos ha. Dapat tinagalan mo pa" pang aasar ko kay Chassedy nung makababa siya.
Habang naglalakad kami papuntang sakayan ay napansin ko yung pagtulala ni Chassedy. May iniisip na naman to.
"What are you thinking right now Chad?" Tawag ko sa ginawa kong nickname para sakanya. And yes, ako lang ang tumatawag sakanya ng Chad.
"Iniisip ko pa din kung ano yung naging mali ko Ri" she's still thinking about what happened a year ago. Nung brineak siya ng ex niya.
Valentines Day non nung nagkakilala kami ni Chassedy. Same day kung kailan brineak din siya ng Ex niya.
"Sabi niya wala namang iba Ri. Pero he lied to me" Yes. Her dumbass ex-boyfriend lied to her. Sinabi ng ex niya na wala naman daw iba pero 1 week after nila magbreak ay nakita namin yung Ex niya na may kayakapan ng ibang babae.
"Chad, tigilan mo na yung pag iisip don. Walang mali sayo, siya ang meron" Sinayang niya lang yung isang katulad mo.
"Stop calling me Chad, panlalaki" tumawa siya ng bahagya kaya ang ginawa ko ay inasar ko pa siya sa pagtawag ng Chad sakanya. Kahit naman ayaw niya ay wala naman siyang nagagawa sa huli. I made that nickname for her, and only for me to use.
Nakarating kame ni Chassedy sa school namen. Sobrang nakakapanibago. Lumpimat si Chad ng school para makalayo sa ex niya at sumama naman ako sa paglipat niya. Kaya pareho kame naninibago dahil pareho kaming walang nakikitang pamilyar na mukha sa campus na to.
"Anong floor natin Ri??" Tanong ni Chad habang nakatingin kame dito sa malaking building sa harap namin.
"6th floor." Iniisip ko palang kung gaano kataas ang aakyatin namin ay nanlulumo na ako.
Nakarating kami ni Chad sa room namin ng hingal na
Hingal. Everyone is looking at us. Nakayuko kaming pumasok ni Chad sa room at naghanap ng upuan na magkatabi.Mayamaya pa ay may lumapit na saamin na mga estudyante.
"Bago kayo dito??" Tanong ng isang babae saamin.
Tinanguan namin siya ni Chad bilang sagot."Halos lahat dito magkakaklase na last year kaya maingay na agad. BTW girlfriend mo?" Tanong naman ng isang lalaki sakin.
"No we're just bestfriends" nakangiting sagot ko. Ngumiti naman din sakanila si Chad. Malamang naninibago pa to,pero kung makaclose nila si Chad sila mismo ang susuko.
Natawa ako sa sarili kong naisip. I can still remember nung bago bago palang kaming magkakilala ni Chad. She was so quiet. Ako lagi nagdadaldal. Pero nung tumagal, nahawa na ata siya sakin.
"Anong nginingiti ngiti mo jan Ri??" Natigil nalang ako sa pag iisip ng nagtanong si Chad sakin.
"Wala" tipid na sagot ko
Maya maya ay dumating na ang teacher namen. Same old tradition kapag first day, nag inteoduce kame ng sarili namin.
Ganon nadin sa ibang subject. Nakakaantok, pero walang magagawa. First day palang naman,malay natin maging masaya tong taon na to.Uwian na at hinatid ko muna si Chad sa bahay nila. Nasa kabilang village lang naman ako nila Chad kaya di naman ganon kalayo ang pauwi na.