Not edited, expect wrong grammars, wrong spelling typos and so on
**********
Nandito ako ngayon sa cafeteria na nakabusangot ang mukha,salubong ang kilay at nakakunot ang noo."Hey mistress want some?" Tanong saakin ni idiot 1
"Gago ka ba!?ang ingay mo baka may makarinig"sabat naman ni idiot 2
"Shhhh,ang ingay niyo kumakain tayo" sabi naman ni idiot 3
"Tama,huwag na kayong maingay kumain na lang tayo"bibong sabi naman ni idiot 4
"Naka busangot ka na naman"bulong saakin ni idiot 5
"Hoy!hoy!hoy! Anong binubulong bulong mo kay mistress!?"
"Can you please shut the fvck up!"sigaw ko sa kanila. Agad naman silang nanahimik. Hindi naman nakaligtas sa akin ang pagsisikuhan ni idiot 1 and 4.
"What the hell the five of you doing here!?" Inis na sigaw ko sakanila nang pabulong dahil na rin iniiwasan kong makakuha ng atensyon lalo pa't nasa cafeteria kami ngayon at lunch time.
Sumasakit ang ulo ko sa kanilang lima. Nagulat na lamang ako sa pagsulpot nila sa klase ko kanina.
Flashback...
Nakatitig lang ako sa pintuan habang hinihintay ang propesor namin.
At hindi naman nagtagal ay pumasok na ito. At ang nakapagpakunot sa aking noo ay ang mga taong nakasunod sa kanya. Lahat ay nakangiti ng maluwang maliban sa isa na seryosong makatingin sa akin.
'What the' naisatinig ko na lang sa isip ko
"Class we have a transferees" tumingin siya sa lima at tumango na nagsasabing magpakilala.
Hindi naman lingid sa pandinig ko ang mga bulong nila na kesyo ay ang gugwapo at gaganda raw nila.
Naglakad naman papunta sa harap ang isa sa kanila
"Hi I'm Lyka Vergaria,16. Hope we can all be friends" masayang pagpapakilala niya. Agad namang sumunod ang isa.
"Macky Janie Zalazar, 16" agarang sabi naman ng isa.
"Austine Fiernandez,17" saad naman ng isa habang nakangiti.
"Abegaeil Havier, 16" diretsong saad nito. Pero mababakasan parin ang ngiti sa kanyang labi.
Naglakad na din ang panghuli."Isaac Nathan Havier,17" seryosong sabi nito habang ang mga mata ay nakatingin lang sa iisang direksyon, sa akin. Siya lamang ang hindi nakangiti pero hindi naman yun nakabawas sa ka gwapuhan niya. Tama ang mga sinabi nila kanina. Magaganda at gwapo nga silang lahat.
"Umupo na kayo, bahala na kayo marami pa namang bakante" sabi ni prof. sa kanila. Buti na lang may nakaupo na sa magkabilaang side ko,dahil alam ko na ang ugali nila. Pero ang ikinabigla ko ay ang paglapit ng lalaking nagngangalang Isaac Nathan sa puwesto ko. Sinamaan ko siya nang tingin pero ang loko ngumiti lang na para bang walang paki sa ginawa ko.
Tumigil siya sa harap ng katabi kong upuan. Pinadaanan niya ng kamay ang buhok niya.
"Miss, dyan nalang ako" hindi yan tanong. Tinignan ko naman ang babae na katabi ko,kinilig ang p*ta.
"Ah s-sige" sabi nung babae at nagmamadaling lumipat sa ibang upuan. Umupo naman ang ungas na to sa upuan nung babae kanina.
"Hey baby"
"Baby your ass,idiot" bulong ko rito pero sakto lang sa pandinig niya. Tumawa lang ang loko.
Flashback ends...

YOU ARE READING
My fiancé is a flirty gangster
Teen FictionLance Jacob Monteberde is a total playboy and hot tempered guy. But when he met this girl which happen to be his future wife and the fact that this stupid girl hates his ass,his world go upside down. He flirts her that even himself can't understand...