"Truth."
Mabilis.
"Faith! What are you thinking!" Nagising naman ako sa medyong pasigaw na sabi ni Worth. Bumaling naman agad ako sa kaniya.
"Bakit mo ginawa yon." Tanging nasabi ko lang at bumalik ang tingin sa court.
"Sorry, i didn't mean to hurt your friend it just that i got pissed the way he treated you." Umiling naman ako, alam ko ang punto niya. Pero yung ginawa niya saakin sa cafeteria ay ang mas masakit. Hindi pa ako napapahiya nang ganoon sa tanan ng buhay ko.
Mabilis kong pinahid ang luha tumulo sa mata ko.
"Ano ba Faith! It's not that he'll die to a single punch!" Umiling ako.
"Hindi naman iyon e,"
"Then what?" Puno ng pag susumamo sa boses niya. Tila ba gusto niya malaman ang iniiyak ko. Pilit niya akong pinapaharap sa kanya ngunit mas tinibayan ko ang ayos ko.
Umiling ako. Wala akong karapatan mag complain o mag inarte. Kung baga sa trabaho dapat professional lang. Ang lahat nang nangyari kanina ay mananatiling hanggang kanina lang para sa amin.
"Naalala mo ba yung sinabi mo saakin na pwede mong sirain ang buong school year ko noon?" Tumingin ako sa kanya. Nakakunot ang noo nito tila ba 'di matandaan ang sinasabi ko.
"Sana huwag mo na muna ituloy siguro next sem na muna. Tulungan mo na muna ako na pag hiwalayin sila Ron at Sheena...." Medyo nanginginig na sabi ko.
"Tsaka yung kanina sa canteen, sana wag mo na ulitin yon, next sem mo nalang ituloy..." Mabilis akong tumayo at nag lakad paalis. Ayaw ko na muna makipag away sa kanya ngayon. Masyadong malungkot ang puso ko kaya ayaw ko munang paganahin ang isip ko.
"Faith!" Tawag nito. Hindi ko siya nilingon
"Itetext nalang kita may number ka naman sakin e. Pag usapan nalang natin sa text. Basta tandaan mo BALIW KA!" sinayahan ko ang sigaw ko para malaman niya na okay lang ako at tumakbo na paalis.
_______
YOU ARE READING
Warning: Love is Blind
FanfictionWould you rather to wait for your dream man or Are you ready to fall inlove to the man the you hated the most?