"Mag isa ka."
Nang break time na namin ay sinabi ko kay Erika na may pupuntahan ako kaya hindi ako makakasabay sa kan'yan kumain sa garden area. Medyo nag insist pa siya na samahan ako pero nang sinabi ko na sa clinic ako pupunta ay umayaw na rin ito. (Ayaw niya sa amoy ng clinic at hospital)
Aba kasi naman sabi niya hihintayin niya ako rito! Pero ilang oras na wala pa rin!
Mabilis kong tinahak ang canteen. Halos itaboy ko ang mga estudyanteng humaharang sa daanan ko. Kainis ang daming tao!
Nang makarating ako sa loob ay hinagilap ng tingin ko kung nasaan ang aking hinahanap.
Saan ba pumupwesto ang Kumag na iyon. Narinig ko kasi dati na lagi raw yon dito kumakain.
Natanaw ko ito na nakikipag tawanan sa mga kaibigan o kaklase niya.... May mga babae? Kaya ba hindi niya ako hinintay dahil busy siya sa nakikipag kalantari sa mga babaeng ito? Siguro kung kami ang nasa posisyon nila Ron at Sheena na alam ng lahat ang relasyon ay baka ma headline na ako "Kawawa naman si Faith pinag palit agad. Boring siguro kaya pinag palit!" Napairap naman ako.
Tila ba siya parang hari na nakaupo sa trono niya. May dalawang babaeng nasa tabi niya na abala sa pakikipag landian sa kan'ya, Ha! May pa bulong bulong pa amputek! Parang nung isang araw lang lakas ako yayain bilang girlfriend niya dahil sawa na siya sa mga babae nakapalibot sa kan'ya! Wow just Wow!
Sa kanyang harap naman ang mga kaibigan niyang lalaki ang iba rito ay may mga katabing babae. Occupied nila ang mga apat na lamesa sa dulo ng canteen na parang bang para sa kanila lamang ang pwestong iyon. Na parang may naka invisible na nakaukit sa pader nasa likuran niya na "PARA KAY WORTH. MAMAMATAY ANG MAKIKIUPO"
Taas noo akong lumapit kung saan siya naroon. Nakita naman niya ang pag lapit ko. Tiningnan naman ako nito na para bang manyak sa kanto! Ngumisi ito at pinasadahan ng palad ang kanyang buhok. May binulong sa kanya ang babae ngunit parang hindi niya ito pinansin. Nakatuon lang ang tingin niya saakin. At ako rin sa kan'ya.
"Oppss! Bakit ka nandito?" Hinarang ako ni Arthur, ito ang kasama ni Worth noong nasa hallway.
"Hindi ikaw ang pinunta ko dito. Tabi!" Sabi ko. Tiningnan ko naman si Worth ngunit abala na ito sa pakikipag landian sa babae niya.
"Hindi ka pwede dito! Bawal bata dito!" May saltik din ang isang ito siguro e, mag ka edad lang ata kami nito.
"Bobo ka ba?!" Naiinis na sabi ko kaya naman umatras ito at pinadaan na ako. Nginitian ako nito ngunit inirapan ko siya.
Naramdaman ko naman ang titig saakin ng mga kaibigan niya. Lumapit ako sa kan'ya.
Pumaywang ako at nag taas ng kilay.
Hihintayin pala ha!
May huli itong binulong sa isa niyang katabi bago bumaling saakin sa gilid ng babae niya.
"What's your problem miss?" Tanong nito.
"Hindi ikaw ang kailangan ko kundi ang katabi mo."seryoso kong sabi.
"Uhmm sis, kung isa ka sa mga admirer ni Taivo well sorry you're not welcome here. You're just nothing." The bitch said.
"Sabunutan! Sabunutan! Sige kung matapang ka nga Faith hawakan mo sa tenga." Asar ng paepal na si arthur.Tinapunan ko naman siya ng tingin. Zinip lock naman niya ang bibig niya at nag taas ng kamay na tila ba nahuli sa kan'yang krimen.
Ang Walanyang Mokong naman ay abala na sa pag kain ng macaroni.
"Walang akong pakielam sa nararamdaman mo." Umirap ako at tinampal ang mesa para makuha ang atensyon niya. Napaangat naman ito ng tingin saakin. Tinaasan ko siya ng kilay.
YOU ARE READING
Warning: Love is Blind
FanfictionWould you rather to wait for your dream man or Are you ready to fall inlove to the man the you hated the most?