Chapter 4

16 0 0
                                    

PACIFIC

Hindi ko parin inaalis ang masamang tingin ko sa babaeng ito.

Tsk.

Hanggang ngayon ay galit parin sa'kin si dad dahil sa nangyari sa kotse niya na kagagawan ng babaeng to.

She even humiliated me in front of my girlfriend and worst, nasa hospital parin siya at hindi parin siya nagigising hanggang ngayon.

*Flashback*

Alas syete palang ng umaga ay nakapag ayos na ako kahit ten o'clock pa ang usapang pagkikita namin ni Stacey.

I'm so excited to see her again.

Nakangiti kong pinagmamasdan ang aking repleksyon sa salamin.

I'm Pacific Vasquez, leader of the Reaper Gang and the heir of the Vasquez clan.

Pagod man dahil sa paghahanap ng lead about our mission with my gang ay nagawa ko namang maghanda ng maaga para dito.

Sa totoo lang ay hindi na ako nakatulog dahil excited na talaga akong makita siyang muli.

Stacey Lim

She's  my girlfriend, my future wife.

She spent her vacation in US at ngayon lang ulit kami  magkikita.

Pagkababa ko ay nakita ko si dad sa sala na nanonood ng tv.

"Dad can I borrow your car?"

Dad has a great obsession in cars. Parang mas anak pa nga ang turing niya sa mga sasakyan niya kesa sa akin eh.

"Yes dear, but please be careful. Baka magas gasan mo si Tim."

I just rolled my eyes on him.

See?

"Yes dad. I'm going."

Bandang alas nuwebe na ng makarating ako sa bahay nila Stacey.

Pagbaba ko ng kotse ay nakita ko naman agad si Tita Beth kaya linapitan ko siya.

"Hello tita!"

"Oh Pacific! Buti nakadalaw ka? Nasa taas palang si Stacey, halika't maupo ka muna at tatawagin ko lang siya!"

Nginitian ko lang si tita at naupo sa couch.

Mga ilang minuto lang ang nakalipas ay bumaba na si Stacey at di'ko mapigilan ang sarili ko na mapatitig sa kanya.

She's so beautiful with her red dress na hanggang tuhod lang ang haba. She's so simple and yet she look stunning.

Nang malapit na siyang makababa ay inilahad ko ang aking kamay na tinanggap rin nito.

Bigla niya akong yinakap na ikinangiti ko.

"I miss you"

"I miss you too baby. Let's go?"

Nag paalam na kami ni tita and we headed to the mall dahil bibili daw muna kami saglit ng regalo para sa pinsan niya.

We're going to attend the birthday party of her cousin.

Pagkapasok ko sa parking lot ay may nakita naman agad akong space kaso nung magpapark na sana ako ay may biglang nag drift sa aking harapan at inagawan ako ng pwesto.

Nabigla rin ako sa sigaw ni Stacey dahil sa bilis pa naman ng sasakyang iyon.

Dahil sa inis ko'y padabog akong lumabas sa kotse at nagtungo sa sasakyang iyon at malakas na kinatok  ang window sa driver seat.

The Missin' PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon