Kadiliman...
Ito ang bumungad sa akin pagmulat ko ng aking mga mata. Para akong nasa kawalan.
Nasan ako? Nananaginip ba ako?
"Tierra"
Bigla along kinabahan ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.
"Pinatay mo siya."
Naguguluhan man ako sa mga sinabi niya ay hindi parin ako umimik. Sinong pinatay ko? Sino ba sa kanila?
"Kasalanan mo ang lahat!"
Hindi ako nakapagsalita
Ano bang sinasabi niya?
"Pinatay mo sila"
"Wala along kasalanan!"
Bigla siyang humalakhak.
Kinilabutan ako bigla. Nangangatog na ang mga tuhod ko sa takot ay pinilit ko paring tumayo.
Natatakot na ako. Natatakot akong marinig kung ano pa ang susunod niyang sabihin.Gusto ko nang magkumawala at makaalis sa lugar na ito!
"Tierra"
This time alam ko kung kanino na galing ang boses na iyon.
"You killed your brother"
Hindi ko na maintindihan ang huli nitong mga sinabi dahil tuluyan na'kong binalot ng kadiliman.
"Tierra Gising!!"
Bigla akong napabangon ng marinig ang boses ni nay Tenya sa labas.
Panaginip lang pala ang lahat.
Halos maligo na'ko sa pawis pagkagising ko. Malakas parin ang kabog ng aking dibdib hanggang ngayon.
Panaginip lang ba iyon o parte ng aking nakaraan?
Napailing nalamang ako . Panaginip lang iyon. Pagkumbinsi ko sa'king sarili
Bumangon nalamang ako at pilit iwinagsi lahat ng iyon. Kailangan ko pang pumasok.
Napatingin ako sa orasan , alas singko pa naman. May time pa ako para makapag ayos.
Pagtatapos kong ayusin ang aking higaan ay nagderetso na ako sa banyo para maligo.
Ako si Hell Tierra Blood.
Hanggang ngayon ay malaking katanungan parin kung sino ba talaga ako dahil pati ako ay hindi ko rin kilala ang sarili ko.
Mahigit apat na taon na ang nakalipas pagkatapos ng insidenteng iyon.
Basta nagising nalamang ako sa hospital na walang maalala.
Ang kwento sa akin ni Chairman Blood ay nakita daw nila akong walang malay sa isang sumabog na building. Ako lang daw ang nabuhay sa pagsabog na iyon at nakapagtataka raw dahil wala akong masyadong galos maliban lang sa maliit na sunog sa aking dibdib.
Si Chairman Samuel Blood, ang taong kumupkop sa akin.
Pagkatanggal ko ng aking damit ay nakita ko agad ang repleksyon ng aking likod sa salamin.
Hindi ko mapigilang titigan ito.
Hanggang ngayon ay malaking katanungan parin sa akin kung kailan at papaano ako nagkaroon ng ganito.
Sa sobrang laki ng tattoong ito ay halos masakop nito ang buong likod ko.
Isa itong imahe ng babaeng nakatalikod. She's wearing a crown.
Sa ibabang parte naman ng likod ng babaeng ito ay may dalawang letrang nakalagay .
"Q.H"-walang gana kong sambit.
May ganitong letra rin ako sa ibabang parte mismo ng likod gaya ng mismong babae.
But the strange thing is...
She loses her wings.
At para bang nasa ibang tao ang mga ito.
Everything about me is like a puzzle that I need to solve.
"Tierra, Sino ka ba talaga?"
Walang emosyon kong tanong sa aking sarili.
BINABASA MO ANG
The Missin' Piece
Misterio / SuspensoI am Hell Tierra. Looking for the missing pieces that can solve the mystery of my past. Malapit ko nang mahanap ang huling piyesa.. But the last piece... Turns out that, I am, "The missing piece."