TIERRA
Pag kaalis ko sa lugar na iyon ay napagdesisyonan kong pumasok nalang kahit late na ako.
That old man.
Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang mga sinabi niya.
Matagal ko nang alam ang mundong kinasasangkutan ni Chairman Blood, ang mga Vasquez at ang mga Tyler.
Ang Underground society na kung saan ay binubuo ito ng iba't ibang organisasyon na pinamumunuan ng tatlo.
Ang Vasquez clan na pinamumunuan ng matandang iyon kanina na si Erlando Vasquez, ang Blood clan na pinamumunuan ni Chairman Samuel Blood at ang panghuli ay ang Tyler clan.. ang pinakatahimik sa lahat.
Walang masyadong nakakakilala sa mga Tyler.
Sinubukan kong mangalap ng impormasyon tungkol sa mga Tyler ngunit napakalimitado lang ang nakuha ko.
Nananatili parin silang misteryoso na kahit ang mga pinamumunuan nito'y walang masyadong alam sa kanila.
Taon-taon naman ay isinasabak ng bawat angkan ang pinakamalalakas nitong miyembro sa isang labanan upang sukatin ang lakas ng mga ito.
At ang mananalo ay ang makakakuha ng pinakamataas na ranggo sa Underground society.
May kakayahan rin itong gumawa ng mga desisyon o patakaran na pati ang tatlong clan ay walang kakayahang kontrahin ito.
Pagkarating ko sa tapat ng room ay rinig ko ang malakas na ingay na nanggagaling sa loob.
Mukhang wala pa kaming prof.
Marahas kong binuksan ang pintuan na ikinatahimik ng lahat. Lahat na sila ay nakatingin sa direksyon ko.
Nginitian ko lang sila at saka pumasok.
"Tieerrrraa!" Napasimangot nalang ako ng marinig ko ang napakatinis at nakaririnding boses ni Thea.
What is she doing here?
Bigla ako nitong dinambahan ng yakap.
Sa inis ko ay itinulak ko siya ng malakas.
"Aray Tierra! Napakasadista mo! Hindi mo man lang ba ako namiss?!" Sigaw nito habang nakaupo parin ito sa sahig at naluluhang nakatingin sa akin.
Napatingin naman ako sa likod niya at napansin ang tatlong babaeng nakatayo sa likod nito.
Nakangiting nakatingin sa akin yung dalawa habang yung isa naman ay nag-aalalang inalalayan sa pagtayo si Thea.
Tumakbo sila para yakapin din sana ako ng matalim ko silang tinignan bagay na nagpatigil sa mga ito.
"Follow me." Sumunod nalang sila sa akin at hindi na nagprotesta pa dahil alam nilang galit na ako at baka hindi na ako makapagpigil pang saktan sila dahil sa katangahang ginagawa nila ngayon.
Pagkarating namin sa rooftop ay pinakiramdaman ko muna kung may tao sa paligid at nag makasigurado akong wala ay bigla ko silang hinarap.
"Tierra let us expla---" Hindi ko na pinatapos pang magsalita si Sky at sinuntok siya sa sikmura.
I close my eyes when I saw her coughed with blood.
Lalapitan sana ako ni Thea para pakalmahin ng sinampal ko ito ng malakas.
"Tierra stop!"
Matalim kong tinignan si Keith ng sigawan niya ako ngunit bigla rin akong natigilan ng makita ko ang kalagayan nito.
Nakatabingi ang makakapal na eye glasses nito habang nakasupalpal sa sahig at walang tigil sa pag iyak.
Tumalikod ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Missin' Piece
Mystery / ThrillerI am Hell Tierra. Looking for the missing pieces that can solve the mystery of my past. Malapit ko nang mahanap ang huling piyesa.. But the last piece... Turns out that, I am, "The missing piece."