36 kg to Cell no.49

30 3 56
                                    


"Hi, Mae. Pwede maki-upo?" tanong sa akin ni ate Jessa. Kasama niya si Marc Dane Flores, kakilala ko dito sa college. Iisang college lang kami pero magkaiba ng course. Psychology ang course ni ate Jessa, habang Education naman ang kay Marc Dane. Umupo silang dalawa sa harap ko.

"Sure," sagot ko sa kanya at pagkatapos ay nag-umpisa na akong lantakan ang in-order kong pancit. Yum Yum! Favorite ko 'to!

"Bakit sa tuwing nakikita kita, kumakain ka?" tanong ni ate Jessa sa'kin.

"Oo, no? Haha. Para siyang buntis." Kung makabuntis naman 'tong si Marc Dane! Tirisin kita dyan, eh. Like eww. No way. Magiging lawyer muna ako, no.

I explained to them. "Pfft. No way. Di'ba pwedeng gutom lang ako? Nakakadrain kasi ng utak si sir Ramos! Syempre I need to replenish my drained energy, di'ba?"

"Haha. Oo nga, eh. Wait lang. Parang nagutom din ako. Bili lang ako ha. Ikaw kasi Mae, eh. Nakakalaway ka kumain!"

I laughed at her comment. Well, pwede na ba akong maging endorser ng pagkain? Sana nga. Para may pera na ako, may libreng pagkain pa, oh di'ba. Tiba-tiba rin ako kung sakali.

Bumalik si hawak ang isang burger. Wow. Parang masarap din yan, ah. Char lang. Hoy, wala kang pera, Mae. Shut up. "Oh? Ubos mo na?" nanlalaki ang mga mata niyang nagtanong.

"Yep. Kulang pa nga, eh."

"Grabe, bakit di' ka tumataba?"

Tumawa na lang ako bilang sagot. Ang totoo, hindi ko rin kasi alam. Kapag bored ako, kumakain ako. Kapag gutom ako, kakain ako. Pagdating ko ng bahay, kakain ako ng kanin at kakain na naman ng meryenda. Bago umalis papuntang school, kumakain naman ako nang madami. Pero pagka-upo ko sa armchair, nagugutom kaagad ako kaya kumakain ako habang nagkaklase.

Hindi naman ako pinapagalitan ng teachers namin. Sinusuportahan pa nga nila ako dahil kailangan ko raw ng nutrients. Ganun na siguro ako malnourished sa paningin nila. Pero hayaan na nga. Maganda nga iyon, eh.

"Mabilis siguro ang metabolism mo, no? Sana all, Mae Lee Rodriguez ang peg ng katawan. #LODI " tanong ni Marc Dane.

"Maybe. Hehe." Natawa ko dun sa banat niya. Baliw talaga.

Binuksan ko ang aking facebook to kill time. Gusto ko pa nga sanang bumili ulit, eh. Ice cream, buko juice, tapos banana cue naman sana. Kaso wala na akong pera, eh. So... behave na ako.

Ano ba yan? Dati nung highschool kami, ang payat pa nitong si Leo, ah. Pati na rin si Dianna at Rianne. Pero after three years, tumaba na sila? Anong nangyayari sa mga tao ngayon? Nagcollege lang, nagsisitabaan na sila.

Buti pa ako. Kahit na matakaw ako, hindi halata sa katawan. Hindi raw kasi ako tumataba, eh. Anemic pa rin ako. I had to take ferrous sulfate to add iron to my blood. Dahil kung hindi, baka himatayin ako dito sa school.

It's like may halimaw akong pinapakain sa loob ng aking tiyan o di naman kaya'y black hole kung saan lumulusot lahat ng kinakain ko at naglalaho na sa kawalan.

Madalas pa nga akong mapagkamalang bata dahil sa pandak kong height at maliit kong katawan. Not to mention, that I have the face like that of a young child.

Wala akong tigyawat. Wala rin akong skin care routine. Sadyang ganito lang talaga ang genes sa side ng mother ko.

Sanay na ako sa mga naririnig ko mula highschool hanggang ngayong third year college na kami. Marami ang nagugulat sa taglay kong talent sa pagkain-este sa pagkamatakaw ko pala pero di man lang ako tumataba. Sino ba naman ang mag-aakala na sa liit kong ito, kaya kong umubos ng maraming pagkain? Lagi nalang akong gutom kahit na oras-oras naman akong kumakain.

The Art of Mind CompulsionsWhere stories live. Discover now