I love A.P.

9 0 0
                                    

“Nang dumaong si Magellan sa Mactan, Cebu, sinubukan niyang kuhanin ang loob ng mga katutubo ngunit nauwi lang ito sa madugong labanan,” paliwanag ni Ma’am Aloot, ang guro namin sa Araling Panlipunan.

Ma’am?” Itinaas ni Mikko ang kanyang kaliwang kamay.

“Ano yun, Mikko?” nakangiting tugon naman ng aming guro.

Ma’am, ang ganda po ng lipstick niyo. Saan niyo po ‘yan nabili?”

Parang apoy na sinilaban sa gas, nagtuloy-tuloy na ang pagkukuwento ni Ma’am Aloot tungkol sa kanyang mahiwagang pulang lipstick hanggang sa ikwinento niya na rin ang pinagmulan ng kanyang bag na gawa sa abacca.

Napalabi ako. Heto na naman tayo. Dyan sila magaling, sa mga delaying tactics nila.

Heto namang guro namin, hindi ko alam kung uto-uto ba o talagang sinasabayan niya lang ang mga kaklase ko? Siguro tinatamad na siyang magturo at hinihintay na lang na matapos ang isang taon bago siya magretiro sa susunod na taon.

Wala akong interes na makinig sa mga talambuhay niya. Mas lalo naman sa pinagmulan ng kanyang lipstick at bag. Pumunta ako rito sa eskwelahan para matuto pero wala naman pala.

Anong konek ng lipstick niya sa buhay ko? Magagamit ko ba yan?

Tsk.

Ibinaling ko ang tingin sa labas. Mabuti na lang, katabi ko lang ang bintana.

Ano kayang magandang gawin?
Ayoko makipag-usap, masyadong maingay.

Wala rin naman akong matinong selpon. Nakakasawa rin ang paglalaro ng snake xenxia.

Ahhhh. Nagugutom na’ko. Ang tagal naman matapos ng klase. Pakiramdam ko yung isang oras, nagiging lima.

Nahinto ang paglalakbay ng imahinasyon ko. Naglaho lahat ng mga pagkain at inumin nang may namataan akong dumaan.

Si Adrian!

Huh. Alam ko na ang gagawin.

Isinulat ko ang mga katagang ‘I love A.P.’ sa likod ng aking notebook. Sinadya kong makita ni Emmie ito habang dinadagdagan ko ng mga maliliit na detalye tulad ng mga puso at lettering.

“I love A.P.?” tanong niya.

“Oo. I love A.P. kasi favorite subject ko na ang araling panlipunan,” sagot ko naman sa kanya.

Nagpatuloy ako sa pagguhit habang hindi maalis ang abot-tengang ngiti ko. Akala siguro niya, kinikilig ako, pero ang totoo, naiisip ko na ang magiging reaksyon ng lahat pag kumalat ito.

Sigurado akong magiging masaya ‘to.

“Anong araling panlipunan? Utot mo. Crush mo lang talaga si Addy!”

Ha? Hindi ah. Crush agad? Araling panlipunan yan sabi, eh.”

Di mo ako maloloko. I love Adrian Paolo yan! Napaka in denial mong gaga ka.”

Natapos ang klase namin sa Araling Panlipunan. Napansin naming may nakasilip sa pinto.

“Excuse. Pwede kay Anton?”

Hinablot ni Emmie ang ginawa ko kanina at ibinandera sa ere habang sumisigaw. “Hoy Addy! Crush ka daw ni Hillary!”

Yieeee!” sabay-sabay na kantyaw ng mga ulupong kong kaklase.

Tignan mo ang mga tangang ‘to. Napatawa ako sa aking isip. Pinigilan kong ilabas ang bunghalit kong tawa. Mas gusto kong hayaan.

Sinong nagsabing crush ko siya? Mga assuming. At bakit ba sila nagdedesisyon para sa nararamdaman ko? Sila ba ako?

Hmm. Pero sige, total naman, gusto nilang maging tanga, edi magpakatanga sila. Paniwalaan nila ang gusto nilang paniwalaan.

The Art of Mind CompulsionsWhere stories live. Discover now