Me + She + Him.

10 1 0
                                    

"KAYAHHHHHHH!!!! -" Malakas na tiliin ang bumabasag sa eardrums ng tenga ko. Mga babaeng hindi magkaumayaw na magtulakan at magsigawan. Aakalain mong may terrorist attack. Kunti na lang mag ii- stamped na.

Agad kong hinagilap ang babaeng dahilan kung bakit andito ako sa sitwasyon na to. Paano ko hahanapin ang babaeng yun. Katabi ko lang sya kanina bigla na lang nawala. Para akong inaagos ng bugso ng mga tao. Yung kahit di ako humakbang. Makakarating ako kung saan dahil di nadala na ako ng mga zombies na to.

Pinilit kong kumawala sa tumpok ng mga babaeng yun at sa awa ng Diyos nakaalis ako. Nakahinga ako ng maluwag ng nakarating ako sa lugar kung saan malawak na ang space. Agad kong tinawagan ang babaeng yun pero di nya sinasagot. Napabuntong hininga na lang ako habang nakaupo sa isang gilid at hawak ang isang bagay na kanina ko pa gusto itapon kung di lang talaga to sa kanya.

*INSERT SONG:* Damdadi by GOLDEN CHILD*

"Damdadidam... Dadidam.. dadidadidam...Damdadidam...dadidam...dadidadidam.." rinig kong sabay sabay nilang kanta habang sabay sabay nilang winawasiwas ang hwang nilang lightstick na animoy target standee sa isang bowling club.

Actually katulad nila hawak ko din ang mga hawak nila. Sobrang lakas ng kanta nila. Kahit hindi naman nila maintindhan kong ano ba yung sinasabi nila. Tinalo ko pa yung nasa gitna ng sabungan.

"Ahhhhh I love you. JOOCHAN.. -" rinig kong sigaw ng babaeng malapit sakin. Hay naku. Napapaligiran tlaga ako ng mga hibang na babae.

Mula sa pagkakaupo sa isang gilid tumayo ako at muli naghagilap ng tingin at di nga ako nagkamali. Nakita ko na ang babaeng hinahanap ko at ayun nasa pinakaunahan at walang humpay sa pagwasiwas ng banner na hawak nya at halos maputol na ang litid ng ugad sa leeg kakatili.

" YAH!!! KIM JIBEOM!!! NAWA!!!! -" sigaw nya. Napasa po na lang ako ng batok ko. Nanakit ang batok ko sa ginagawa nya pero habang pinaanuod ko sya nanakit man ang batok diko parin maiwasan mapangiti sa tuwing nakikita ko syang ganyan kasaya.

********************

" Babe. Nakita mo ba yun? My gosh. Tumingin sakin si JIBEOM. Oh my gossssssh. -" sigaw nya habang hawak hawak ang pisngi nya.

"How can  i see that?-" sagot ko habang pinapaandar ang kotse.

"Kung nakita mo lang yun. My gosh babe mapagkakamalan mong may something samin.-" kinikilig na sabi nya. Bigla ko naman hinininto ang kotse.

"Oh? What's wrong babe?-"  inosenteng tanong nya. Napabuntong hininga na lang ako. Wala man lng syang idea kung bakit ganito ako. How can she say something like that. Sa tingin nya ba di ako nagseselos sa mga piangggawa nya. Parang mas kinikilig pa sya ata sa JIBEOM na yun kaysa sakin. 

"Hey babe. Tulala kana. May problema ba?-" sabi nya sabay hawak ng kamay ko with matching smile. Sheyt marupok ako. 

"Its nothing babe. Don't worry.  Nag enjoy ka ba?-" nakangiti kong tanong sa kanya. Abot langit naman ang ngiti nya habang paulit ulit na tumatango. Sus. para nanaman akong natunaw. isang ngiti lang talaga ng babaeng to. Bumibigay na ako.

Hay siguro kailangan ko na talaga tanggapin na may sampung lalaki akong kaagaw sa puso ng babaeng mahal ko. Ito na siguro ang kapalaran ko.


>>>>>> Next update.

POINT OF VIEW NG BOYFRIEND NG ISANG FANGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon