Hi guys..sana maenjoy niyong basahin ang story na ito.. Just want to share that this story was born after I read a couple of stories on wattpad napansin kong karamihan ng mga protagonist na mga babae almost perfect.. paano na lang ang mga taong hindi perfect di ba? Thus I created this story..
P.S If you find the story interesting please do comment and vote..libre lang po iyang walang bayad..early pamasko niyo na lang po sa akin. Thanks =D
Brenda POV
Kring!!!! Kring!! Kring!!!
Nakapikit na pilit kinapa ni Brenda ang kanina pa niyang nag-iingay na alarm clock. Puyat na puyat siya kagabi dahil anong oras na siyang nakauwi sa dami ng pinapatapos na reports ng monster boss niya. Kahit puyat man ay dapat maaga pa rin siyang pumasok sa trabaho kung ayaw niyang makapag-almusal ng sermon sa gwapo niyang bossing.
Bumangon na siya mula sa pagkakahiga at pumunta na sa banyo para makaligo na. After 30 minutes ay tapos na siyang maligo at mag-ayos ng sarili. Hindi siya katulad ng ibang babae na umaabot ng ilang oras sa pag-aayos. Okay na sa kanya ang mag-pulbos at mag-lipstick ng konti para naman hindi siya maputla pagpasok ng opisina.
Nadatnan niya sa komedor ang ninong niya at si Brent her boss na nag-aagahan. Yup tama kayo ng nabasa kasama ko ang boss sa iisang bahay. Anak kasi si Brent ng ninong Leo ko na siyang umaruga sa akin ng mamatay ang mga magulang ko.
Pinag-aral niya ako, binihisan, at tinuring na parang anak kaya naman malaki ang utang na loob ko sa pamilya nila. Nang grumaduate ako ng college ay nag-offer si ninong ng trabaho sa akin ay hindi ko mapag-hindian. Thus, I end up being the secretary of the CEO of his company which is handled by Brent now.
“Hija glad you’re awake. Join us for breaksfats,” aya sa akin ni ninong.
Humugot ako ng upuan sa tabi ni Brent pero agad niya akong pinandilatan ng mata.
“Huwag kang tumabi sa akin duling kung hindi malilintikan ka sa akin,” pabulong nito wika para hindi marinig ng ninong niya.
Hay ang aga-aga ang init ng ulo sa kanya ng lalaking ito. Well wala namang bago parati naman talagang mainit ang ulo nito sa kanya. Iyon na nga ang malaking katanungan sa isip niya kung bakit kumukulo ang dugo nito sa tuwing makikita siya eh wala naman siyang ginagawang masama ditto.Para wala ng gulo ay umupo na lang siya malayo sa kinauupuan nito.
“How’s the company hijo,” pagbubukas ng usapan ng ninong niya .
“So far so good. We have prospect investors from Japan that will be arriving next week,” tugon naman ni Brent sa pagitan ng pag-nguya.
Siya naman ay inabala ang sarili sa pagkuha ng pancake at sausage na nasa hapag at nagsimula ng kumain.
Pag mamay-ari kasi ng ninong niya ang Javier Real Estate Company. Matagal na itong nag-retire as a CEO of the company kaya naman sa anak na nitong si Brent ipinasa ang responsibilidad na iyon.
“Hija magkwento ka naman. How’s Brent as a boss? Is he treating you right?” tanong sa kanya ng ninong niya.
Muntik na siyang mabulunan sa tanong nito. Paano ba niya masasabi ditto na ang magaling nitong anak ay isang sadistang slave driver? Na kapag nasa opisina na sila ay wala itong ginawa kundi tambakan siya ng trabaho kahit hindi naman scope ng trabaho niya. Sa tuwing konting pagkakamali niya ay agad na naka-singhal ito sa kanya at wala siyang magawa kundi lunukin na lang ang lahat.
Sasagot na sana siya ng mahagip niya ang nagbabantang tingin ni Brent na parang sinasabing “kapag magkamali ka ng sagot patay ka sa akin” kaya naman napalunok na lang siya ng laway sa nerbiyos.
“Ah ok naman po ninong. Ang bait nga po ni Brent eh. Sobrang bait po parang anghel.”
Juice ko huwag naman sanang mahalata ng ninong niya ang sarkasmo sa boses niya kung hindi malilintikan na naman siya sa monster boss niya.
“Good to hear that hija. Masaya akong malaman na nagkakasundo kayo ng anak ko afterall you are like a daughter to me. Sana nga you’ll end up with each other para naman magkaapo na ako,” sabi ng ninong niya.
Tuluyan na siyang nabilaukan sa sinabi nito habang si Brent naman ay naibuga ang iniinom nitong juice. Para yatang nahihibang na ang ninong niya? Sila ni Brent? Wish niya lang.
“Dad what nonsense are you sprouting?” gigil na tanong ni Brent sa ama nito.
Ngumiti naman ng matamis sa kanila ang matanda. “Well just a wishful thinking son. It is my dream that you and Brenda are going to end up with each other.”
“Dad are you nuts?” hindi makapaniwalang tanong ni Brent sa ama. “How am I gonna end up with her? Ayokong magkaanak ng duling for god’s sake!”
Ouch! Naka-strike one na naman ito sa panlalait sa kanya. Kailangan ba talagang ipagdiinan na duling siya? Duling lang siya pero hindi siya bulag kaya alam niya iyon. At pag duling ang ina duling agad ang anak? Hindi pa pwedeng slightly cross eye lang?
“What is wrong with Brenda? She’s beautiful, smart, hard working and a good woman. Honestly son I can’t see anything wrong about you liking her.”
Salamat naman sa ninong niyang to the rescue sa kanya. Kaya naman talagang mahal na mahal niya ito at hindi ito mapang-lait at mapang-husga katulad ng anak nito.
“Seriously? How can I like a cross eyed girl Dad? Have you got your eyes checked?”
Lupit magsalita ng gunggong na ito ah. Kung makapagsalita akala mo kung sino. Sabagay may ipagmamalaki naman talaga ito. He is Brent Javier the most good looking and sought after bachelor in town. Teka bakit ko ba pinupuri ang taong ito eh nilait nga pala ako.
“What’s wrong with Brenda? Huwag mong sabihin na dahil sa kapansanan niya ay napapangitan ka na sa kanya?” muling tanong ng ninong niya.
“Iyon na nga eh duling siya kaya kahit kailan hindi ako magkakagusto sa isang duling,” mariing wika ni Brent.
Kung makapagsalita naman ito parang isang mortal sin na ang ma-inlove sa katulad niyang duling. Bakit wala na bang karapatan ang katulad nilang may kapansanan na magka-love life? Wagas naman ito kung makatanggi sa kanya. Duling lang siya wala siyang Ebola virus.
“Duling man sa iyong paningin ay maganda pa rin,” hindi mapigilang sagot niya ditto. Aba naka-quota na ito sa panlalait sa kanya.
“Yeah right,” he smirked. “Kailan pa naging maganda ang duling aber? Ilusyunada ka talaga kahit kailan Brendang duling.”
“Mag-ingat ka baka sa bandang huli sa duling na ito ka pa bumagsak,” nang-iinis na wika niya ditto.
Napatawa naman ito ng malakas. “Dream on cross eyes. I assure it will never happen.”
“Sabi mo eh,” sabi na lang niya para matapos ang topic na iyon. Sakit na sa bangs malait eh. Qouta na siya sa lait for the day kaya naman itinuon na niya ang atensiyon sa pagkain at ganoon na din ang ginawa ng binata.
Dahil busy sila sa pagkain hindi na nila napansin pa ang makahulugang ngiti ng ninong niya habang nakangiti itong nakatingin sa kanila. Hindi na tuloy sila nagkaroon ng idea na may ibinabalak ito. He just had a very brilliant plan indeed.
BINABASA MO ANG
Ang Duling Kong Pag-ibig
RomanceKung lahat ng love story ay almost perfect ang bidang babae paano na lang kaya ang mga katulad niyang isang duling? May pag-asa kaya siyang mapansin ng minamahal niyang sobrang hot at gwapo? Magkakaroon kaya din ng isang happily ever after ang katul...