Chapter 1

18 0 0
                                    

| VENUS |

"Pa, huwag mo kami iwan ni mama! Please pa!"

Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay ni papa na nakahawak sa malaki niyang maleta.

Handang-handa na siya umalis dahil ito ang kagustuhan ni mama. Hindi ko mapigilang umiyak nang makita ko ang walang emosyong mukha ni mama.

Tumingin si papa kay mama nang malungkot at puno ng pagsisisi.

"I'm sorry. It's all my fault." Malungkot na saad ni Papa bago siya tumingin sa akin.

"Sorry, anak." Huling sambit niya bago niya tanggalin ang mga kamay ko at tuluyan nang tumalikod.

Sinubukan kong habulin si papa ngunit kinapitan ni mama ang mga braso ko ng mahigpit.

"Hindi na tayo mahal ng papa mo." Nanginginig ang boses na sambit ni mama.

"Hindi totoo yan!" Kinagat ko ang kamay ni mama at tumakbo ng mabilis.

Hinabol ko si papa hanggang sa gate pero natigilan ako dahil may lumabas na babae mula sa kotse niya, buntis. Tumitig muna siya sa akin bago niya tinulungan si papa sa paglagay ng maleta nito sa likod ng kotse.

Hindi ko na maintindihan ang nangyayari, but one thing is for sure. Iiwan na kami ni papa dahil sa babaeng yun.

"Papa!" Tinawag ko siyang muli pero hindi na niya ako nilingon. Pumasok sila sa loob at pinaharurot na ang sasakyan.

"Papa please!"

Nagising akong pawis na pawis at hinahabol ang hininga. Napanaginipan ko na naman yung pangyayari 8 years ago na pinilit kong ibaon sa limot.

"Di mo talaga ako lulubayan kahit sa panaginip."

Inabot ko yung phone ko at tinignan ang oras. 5 pa lang ng umaga. May message din akong natanggap mula sa mga kaibigan ko at sa isang unknown number na alam ko kung kanino galing. Binasa ko lang yung mga message ng kaibigan ko. Napabuga ako ng marahas. Sira na kasi agad araw ko dahil sa letseng panaginip na yon.

Since mamaya pang 7 yung start ng klase ko at tulog pa si mama, ako na lang muna ang magluluto ng agahan.

Bumangon na ako at inayos yung higaan ko. Pagkatapos, dumiretso ako sa banyo para maghilamos. Pinunasan ko ang mukha ko at nagtali ng buhok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love is bullsh*tTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon