A/N:Hi!!!UPDATE AGAD xD basahin niyo to guys ha! ENJOY READING!!!
Picture po ni Jane Trinidad sa Media
--------------------------------------------------------------------------------
"Kung saan ito nagsimula doon din ito magtatapos"
.
.
.
.
.
Jane's POV
1 hour before recess.
Lahat kami ay kumukulo na ang tyan sa sobrang gutom at kasalukuyang nakikinig ng boring subject na History + isang boring teacher saktong sakto para makuha ang atensyon ng buong klase. Isang sobrang habang lecture tungkol sa pinagmulan ng......
.
.
.
Ewan di ko marinig!
Lullaby ata yung boses nito sa sobrang hina at ang tamlay tamlay makakahimbing ka, "full of energy tong teacher na to!". May kanya kanyang pinagkakaabalahan ang mga classmates ko samantalang ang teacher namin nag-eenjoy kausap ang sarili nya.
Teka!? ako nalang ata ang gising sa row namen palibhasa nasa likod kame kaya natulog na yung mga ka-row ko :3..
"Hayyy tagal namang magtime neto ilang minuto nalang ba??"sabi ko sa sarili ko, agad kong
tinignan yung relo ko and buti nalang 5 minutes nalang ang natitira. YEHEY! matatapos na rin tong nakakaantok na subject na to, kaya naisipan kong magdoodle nalang sa notebook ko at dahil busy ako sa kakadoodle hindi ko na napansin ang paglapit sakin ng teacher ko
"Okay Miss Trinidad, Sino ang pangatlong bise-presidente ng bansang America?". Haaa?? sino nga ba??leche ano yun??? Tsk hindi ko alam yung pinagdidiscuss nila :3
Patay hindi ko talaga alam bwisit, ako pa yung tinawag tawag. -_-
ISIP
•
ISIP
•
ISIP
"Stand up"agad naman akong tumayo pero sa totoo lang hindi ko pa alam yung sagot tumitingin ako ako sa kanya talagang ayaw talagang paawat nitong teacher na to 5 minutes nalang eh -_-
"A-ano p-po ulit yung question?" sabi ko owsh*t kinuha niya yung class record niya
"Kerry Dingleberry" pabulong na sinabi ng katabi ko.
Huh!? si Kerry Dingle-WHAT!?
"Sagot Miss Jane!"
"KERRY DINGLEBERRY MA'AM"
Tahimik ang paligid, nakatingin sakin silang lahat. Kitang kita ko sa kanilang mukha ang pagkalito at pigil na tawa. Tumingin ako sa katabi ko, sasabog na ang kanyang mukha sa sobrang pula dahil sa pagpigil ng tawa.
" Wala akong kilalang ganyan, Miss DINGLEBERRY?" sabay tawanan ang mga classmate ko.
*KRINGGGGGG!!!!!!!!!!*
Lumabas agad ang mga kaklase ko nagrecess agad. Sa iglap lang nawala na lahat ng classmates ko, parang nahagip sila ng bagyo. Ako nalang mag-isa dito sa room kasama yung teacher namen
"Okay Ms.Dingleberry itutuloy naten to...Next sem" kinuha niya agad ang gamit niya at umalis na sa room salamat natapos din.
"Sabay tayong kumain Dingleberry!!" nakabusangot akong lumingon at nakita ko si Trina yung bestfriend ko since birth lagi kaming magkasama, kilala na namin ang isa't isa kapatid na nga ang turingan namin sa sobrang close, since na only child ako siya na yung tinuring ko na younger sister ko, at dahil bestfriend ko sya wala akong nagawa kundi tawanan ang bago kong codename.