PROLOGUE

28 2 0
                                    

"Ano?! Ha! Sigurado naman ako na hindi papayag sila mom and dad sa walang kwenta nyong plano!" Sabi ko sa kanila. Totoo naman e, yung mga ganitong plano, alam kong aksaya lang sa oras.

"How sure are you, Blue? Nag-approved na sila tito dito. Alam mo bang halos tumalon sa tuwa si tita?" Taas kilay na sagot ng isa sa mga kaibigan ko, si Sammantha.

"Asa!" Sagot ko ulit.

"Try to call them, para sila na mismo ang magsabi sayo." Sabat naman ng isa ko pang kaibigan, si Reign.

"Tatawagan ko talaga sila! At isusumbong ko kayo!" Sabi ko at tumayo para kunin ang cellphone ko sa bag.

Tatlong beses nag ring at sa wakas sinagot na rin ni mommy...

Mag sasalita pa lang sana ako nang magsalita na agad si mommy. "Yes anak, pumayag na kami sa plano ng mga kaibigan mo. Tama naman sila anak, twenty-seven ka na yet wala ka ring asawa. Ayaw naman namen ng daddy mo na mamatay na hindi man lang nasisilayan ang apo namen sayo."

Hindi ko ugaling sumagot kila mom kaya habang nagtitimpi pa ako, binaba ko na lang ang telepono! Talaga nga naman oh! Napagkaisahan pa ako! Bwesit!

"Oh? Pano ba yan? Narinig mo naman ang sabi ng mommy mo diba?" May pang-aasar na saad ni Red, habang naka-akbay sa asawa nya na barkada rin namin, si Cyan. Parehong color noh?

"Shut up, red! Baka sayo ko mabuhos ang galit ko!" Nang-gigigil kong sabi. Urgh!!! Tinaas nya naman ang dalawang kamay nya sa ere, meaning na talo na siya.

Huminga ako ng malalim.... "Sino nagpakana neto?!" Madiin kong sabi. Kalmado pero mapapansin mong galit na talaga ako.

Sabay-sabay silang tumingin kay Cass, best friend ko. At talagang best friend ko pa?

"CASSANDRA!!!!!" Sigaw ko at tumakbo naman agad siya. Humanda siya sakin!

WANTED: GROOM TO BETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon