Blue's POV
Isang linggo ko nang hindi pinapansin ang barkada. Bahala sila dyan! Araw-araw bawat isa sa kanila tinetext ako. Katulad ngayon..
From Reign:
Blue!!! Kausapin mo na kami!
From Red:
Hoy asul! Pabebe ka, libing kita e. Kausapin mo na kami!
From Cass:
Bestie? We're sorry na pero kasi, iniisip ka lang namin, ikaw bunso ng barkada e. Huhu bestie!!! :'(
From Samm:
Hoy bruhilda! Natitiis mo kami ng ganito katagal? Sige lang. Hindi naman kami nagtatampo. Fuck you ka. :*
From Jason:
Baby? Patawarin mo na sila. Iniisip ka kasi nila. Wag ng matigas ulo ah? Kausapin mo na sila. Punta tayo sa Cake shop nila Reign mamayang 12 pm. Susunduin kita mamayang 11:30. I love you. :*
Oo. Hindi kasali si Jason sa ginawa nilang pagpaplano. He used to call me baby, kung si Cass ang girl best friend ko, siya naman ang boy.
Tumingin ako sa wall clock sa kwarto. 10 am na. Kaya nagdecide na akong maligo. Pagtapos kong maligo, bumaba na agad ako sa dining area namin. Since sunday ngayon, naabutan ko sila mom at dad na kumakain pa lang din.
"Baby girl, ano ng desisyon mo? Papayag ka na ba?" Tsk. Kakababa ko lang oh, yan agad tanong sakin. Nakakaasar!
"Dad, please? Ayokong pag-usapan." Walang emosyon kong saad. Kasalanan ko ba kasing hindi ako lapitin ng lalaki? Bwesit na buhay!
"But baby, gusto ko na magka-apo! You are our only child. Matitiis mo ba kami?" Pagmamakaawa ni mommy. Kasi naman! Pag ganitong si mommy humihiling, hindi ko talaga matanggihan. She's a kif mother. Paano ako makakatanggi neto?
"Give me some more time, mommy. Please?" Napangiti naman ako nang ngumiti si mommy. Atleast, nakangiti na siya ulit.
Maya-maya lang dumating na rin si Jason, gwapo talaga ne'to. Hahaha pero bawal nako magkagusto e. Gusto na kasi siya ni Reign. Last time kasi nag-girl talk kami. Samm, Cass, Cyan, Reign and me. So dun namin nailabas lahat. Lahat. As in lahat.
At sa barkada, kami na lang ni Reign at Jason ang walang asawa. Si Samm, si Paolo ang napangasawa. College batchmate namin yun. Si Cass naman, ang best friend ko, napangasawa nya, yung high school boyfriend nya na si Leandro. At si Cyan, ang napangasawa si Red. Malas. Hahaha kidding.
"We're here." Sabi ni Jason, nauna na siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Gentleman indeed.
Pagpasok ko sa shop ni Reign nakita ko agad mga kaibigan ko. Halata naman na namiss talaga nila ako. Maski naman ako e. Namiss ko sila. Tsk.
Pagupo namin, sabay sabay naman sila nagsabi ng sorry. Ako naman ngumiti lang saka nagsalita.
"Kasi naman eh! Pwede bang wag nyo na lang ituloy? Ayoko talaga.." pagmamakaawa ko sa kanila. Pero lahat sila umiling, sign na ayaw nila talaga na umayaw ako.
"Come to think of it, Blue. Takbo tayo agad sa future, pano kapag namatay sila Tita na wala ka pang asawa? Sino na lang ang mag-aalaga sayo?" Pagko-conclude ni Cyan.
"Kayo! Mga kaibigan ko naman kayo ah! Iiwan nyo ba ako?" Nagpapaawa ko na sabi sa kanila. Pero umiling sila kaya napangit ako.
"Pero, Asul, may mga pamilya na kami. Sa ayaw at gusto namin mawawalan at mawawalan kami ng oras sayo. Kahit yan si Jason na boyfriend kuno, at si Reign, magkakaasawa yan. Paano ka na lang?" Sabi naman ni Red.
"Tama sila Bestie. Kung hindi ka papayag, ikaw lang din ang mahihirapan sa huli. Saka isa pa, mga kaibigan mo kami, best friend mo pa ako. Kaya kung iniisip mong baka walang kwentang lalaki lang ang ibibigay namin sayo, nagkakamali ka." Pagpapanatag sakin ni Cass. Well, isa yun sa reason na baka nga walang kwenta ang maging asawa ko kaya rin ako natatakot. Saka yung panonood ko, natatakot ako kasi kadalasan puro nananakit at nang-iiwan lang ang mga lalaki.
"Oh ano na? Si Paolo, may kaibigan yun na sobrang successful na kahit nasa ganitong age pa lang. Reto na kita?" Suggest ni Sam. Ako? Irereto? Shit 'to! Lalaki dapat ang nirereto diba?
"Bakit ako irereto mo?! Dapat lalaki nirereto!!" Sa inis ko, napasigaw tuloy ako. Kasi naman e!
"Ssh! Blue, yung mga costumer ko naiistorbo ng sigaw mo. Tsk." Ops. Nasa cake shop nga pala kami. Nag-sorry naman agad ako kay Reign at tinanggap nya naman yun.
Napatingin ako kay Jason nang akbayan nya ako, sunod ko namang tinignan si Reign. Diba nga? May gusto siya. Ngumiti naman si Reign pero nakakita ako ng konting pain sa mata nya. Aww.
"Baby, lahat naman ng sinabi nila tama. Kahit naman ako mag-a-agree talaga ako lalo na't ikaw ang pinag-uusapan. Bunso ka ng barkada kaya ka namin inaalala ng ganito ka-sobra. Makinig ka samin. Para rin naman sa kinabukasan mo 'to. Okay? Okay." Pag si Jason talaga ang nagsasabi sakin parang ang bilis ko mapa-oo. Ewan ko, meron kasi sa boses nya na parang mapapasunod ka talaga. Weird? Oo weird.
I sighed. "Pwede bang kumain muna tayo? Lunch time na e." Pag-iiba ko ng topic. Lahat naman sila nag buntong hininga. Napansin din kasi nila na iniba ko yung topic.
"We will eat. But promise us first, na pagkatapos na pagkatapos naten kumain, magdedesisyon ka na." Sabi ni Reign. Tumango naman ako. Bahala na.
"Okay! Libre na kayo!" Nagngitian naman kami. Syempre! Libre eh!
Minutes passed, natapos na rin kami. Nang maligpit na ng isang waiter ni Reign ang pinagkainan namen, nakatingin na naman sila sakin. Mga excited sa sagot ko eh! Tss.
"Blue.."
I sighed. Oh God, sana po talaga hindi ako magkamali sa magiging desisyon ko. "Fine.. pumapayag na ako." Lahat naman sila nagpakawala ng hinga. Psh.
"You'll never regret this, Blue." Sabi ni Cyan. "I hope so.. I really hope so." Sabi ko ng nakangiti sa kanila nila.
"Pero... pero pala! Kapag hindi nag-work out ng
3 months ang relationship kuno namen, aayaw ako." Lahat naman sila tumango ulit sa sinabi ko. May masama ba? Wala naman. Gusto ko lang talagang makasigurong gaganda talaga ang buhay ko sa mapapangasaa ko.
Tinignan ko naman isa-isa mga kaibigan ko... si Reign, may katext. Sino naman kaya? Si Jason naman may kausap sa telepono nya. He's a business man, for your information. Si Red naman hinihimas ang namimilog na na tyan ni Cyan, yes, Cyan is 2 months pregnant. Naiingit na nga 'tong best friend ko e. Speaking of Cass, ayun, tumayo at pumunto sa pinto, pinuntahan pala ng asawa nya, si Leandro. Nagkiss muna sila bago lumakad papunta dito. Si Samm naman, kumakain na naman. Babayaran nya naman daw. Kabisado na namin yan, pag kumakain ng marami, nag-away na naman sila ni Paolo. Well, wala namang bago e.
Napatingin kaming lahat kay Cyan nang magsalita siya... "WANTED: GROOM TO BE." She smirk. Ha? Ano daw? Napansin ko naman na lahat sila nakangiti. Ano ba yun?
Groom to be daw?
![](https://img.wattpad.com/cover/25112332-288-k683690.jpg)
BINABASA MO ANG
WANTED: GROOM TO BE
FanficBakit ba napakabig deal sa mga kaibigan ko na wala pa akong asawa? Porke't ba lahat sila meron na, kailangan ako rin? Mga nakulangan ng turnilyo!