14

15.7K 516 72
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

"'WILLIAM DELA TORRE---isang cheater?'---'Yon ang paratang ng mga fans na ngayon ay galit na galit sa matinee hunk idol na noon ay puro papuri ang natatanggap sa pagiging maginoo at tapat na nobyo ng isang Priyanka Swich, ngunit ngayon ay dahil sa eskandalong kinasasangkutan nito, nakakatanggap nang maraming 'hate' message ang management nito, mismong si William, at maging ang babaeng kasama nito sa video."

Pinatay ni Don Eduardo ang news na napanood niya sa kanyang sasakyan. Mula ng mabalitaan niya kay Pen ang nangyari ay kahit hindi pa kaya ng kanyang katawan niya ay napagdesisyunan niyang umuwi para sa anak niyang si Yuka.

At ang kalunos-lunos na natanggap niyang balita ukol rito ang siya pang nagbigay sa kanya ng dahilan para umuwi. Halos manginig siya sa galit dahil hindi niya akalain na ang anak pa niyang si Yuka ang ginawan ng masama. Halos atakihin siya sa puso pero tiniis niya. Kailangan siya ngayon ng anak niya. Hindi siya maaaring bumigay.

"Sir Eduardo, narito na ho tayo."

Tumingin si Eduardo sa labas ng bintana ng sasakyan. At nakita niya ang prisinto kung saan nakakulong si William. Maraming paparazzi ang naroon at nag-aabang ng scoop sa isang William Dela Torre.

"Bumaba ka at sabihin mo ang mensahe ko sa hepe ng mga pulis." utos niya sa driver niya.

"Masusunod, Sir."

Mahigpit siyang nakahawak sa bastos niyang hawak. Napakahigpit na para bang doon niyang binubuhos ang galit niya.

Matagal na naghintay siya sa sasakyan hanggang matanaw na niya muli ang driver niya. Sumakay ito at tumingin sa kanya mula sa rear mirror.

"Ayos na ho."

Tumango siya, "Kung gayon ay umuwi na tayo. Gusto ko nang makita ang Yuka ko."

Ngumiti ito at tumango at sinunod ang utos niya. Napatingin siya sa manikang nakaupo sa tabi niya. Hinawakan niya ito at hinaplos. Nag-iisang natatanging desenyo ang manika na 'yon at ibibigay niya 'yon kay Yuka. Dahil kay Yuka kaya lalong umunlad ang buhay nila. Naalala pa niya noon nung bata pa ito.

"Daddy, nika, bili mo ko nika." halos hindi pa nito mabigkas ang manika habang hatak-hatak siya nito doon sa naka-display na manika sa isang store. Ngunit hindi niya mapagbigyan ito dahil walang-wala sila.

"Sa susunod, Yuka. Walang pera si Daddy."

May nauna siyang pamilya ngunit nang maghirap siya ay iniwan siya ni Risa kasama ang dalawa na si Yuri at Yvo. Hanggang magtagpo muli ang landas nila ni Moira---ang babaeng tunay niyang minahal. Kahit walang-wala siya ay tinanggap siya nito. At muli silang nagsama at nagbunga ang pagmamahalan at pagsasama nila. Gumawa siya ng paraan para mairaos si Moira dahil buntis ito. Minsan ay naiiwan niya ito sa bahay dahil ayaw niyang mahirapan ito at mapano.

Hanggang sa maabutan niya na wala itong malay. Halos madurog ang puso niya dahil ang dahilan pala ng pagkahimatay nito ay gutom. Hindi pa kasi siya nakakauwi dahil naghahagilap pa siya ng pera na pambili ng makakain nila. Kaya ang nahagilap niyang pera ay pinangbayad sa manggagamot at pagkain nito. Ayaw niyang sumuko dahil kailangan siya ng mag-ina niya. Ayaw man sabihin sa kanya ni Moira pero alam niyang nahihirapan na ito.

"Moira, patawad kung hindi ko maibigay sa 'yo ang magandang buhay. Kinakaya ko naman pero kung ikaw ang nakikita kong nagkakaganyan dahil sumama ka sa akin ay parang hindi ko kakayanin."

Kahit maputla ay nagawa nitong ngumiti at hinawakan siya sa mukha.

"Hindi ako nagsisisi na inibig kitang muli at sumama ako sa 'yo, Eduardo. Mahal kita.. At kahit ano ka pa o katayuan mo ay mamahalin pa rin kita. Kung mawawala ako sa mundong ito ay masaya ako dahil ikaw ang nakasama ko. Sana ay 'wag mong pababayaan si Yuka."

UNTIL WHEN Part 1 (COMPLETED) UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon