AUTHOR'sNOTE!!!!
--- INUULIT KO PO!
ANG MEN's DIGNITY AY PARA SA MGA OPEN MINDED READER(s) LANG.
--- AT NARARAPAT NA 18 PATAAS ANG EDAD MO!
--- ANG SINUMANG MABABA ANG EDAD SA 18 ANG EDAD AY SIGURADUHING HINDI NIYO., KAYO HUHUSGAHAN ANG LIKHA KO.
---RESPETO AT SUPORTA NYO LAMANG PO ANG KAILANGAN KO, TIWALA NADIN..SHARE.. VOTE.. FEEDBACK's to the STORY.. SUGGESTION IS ALL I NEED FROM YOU GUYS! ^.^ ^.^ ^.^
SPREAD THE STORY TOO.. ^.^ ^.^ ^.^
♥cassiopeia♥
~~~~~~~~~~
STORY STARTED: Augost 1, 2019Marcuz..
'Panu ba yan, pre.. una na kami?' sabi ni Ethan sabay tayo. 'Alam mo naman mga misis namin... 'wife-zilla' hahahahaha' natawa naman din ang dalawa pa nilang kasama na kapwa may asawa na din.. Tumayo narin ang dalawa pa nilang kasama at sabay sabay na nagpaalam sakanya.
'Panu ba yan, bro... Happy BEER-day nalang ulit!' masayang bati ng kambal niyang si Marco sakanya kasabay ng pamamaalam nito para ngayong gabi.
'Happy birthday pre!! 33yrs old kna.. pa-'sakal'-- este pakasal kana!! Hahahahahahaha!' bati rin nito sabay biro sa kanya ni Jacob.
Loko talaga ang isang toh! Hahaha! Masarap ang buhay-binata.. ineenjoy pa niya ang pagkabinata niya.
Alam naman niyang darating at darating siya sa puntong mag-aasawa din siya.. hindi nga lang sa ngayon.
'Pre.. alis na kami. Bawi nalang ako.. punta ka sa bahay, dun moko lasingin. Hahahahahah!' si Ethan.
Tinanguan niya ang mga ito at sabay sabay na lumabas sa vip room na kinaroroonan nila. Maya maya pa'y napansin niyang parang may kulang..
Natigilan siya at hinanap ng kanyang mata ang 'kulang' na napansin niya.
Nasa kaharap na couch ito at nakadayukyok sa kinauupuan.
Dali-dali siyang humabol sa mga lumabas at sumigaw.'Ethan! Oyy! Isama mo'tong may saltek mong bestfriend!' sigaw niya ngunit tuloy tuloy lang ito sa paglakad at itinaas ang kanang kamay; animo'y sinasabing siya na ang bahala.
Kamot kamot ang ulong bumalik siya sa loob at pabagsak na naupo, sinandal ang likod sa malambot na couch na naroroon.
Buntong-hiningang nagsalin muli ng alak at sinimulang tunggain iyon.Ilang sandali pa't nabaling sa kaharap na lalaki ang kanyang atensyon.. bubulong bulong habang nakayuko.
Ano naman kaya ang problema ng ungas na'to?
Naiiling na lamang siya at hinayaan ito sa sariling kadramahan.
May sarili siyang problema. Katunayan, marami siyang problema.. lingid sa kaalaman ng mga kaibigan, lalo na sa kanyang kambal ang kanyang problema.
Masaya siya, oo.. lalo at nandiyan ang mga kaibigan kahit na may mga asawa na ang mga ito. Pero ang kasiyahang nadarama ay nawawala rin na parang bula pag mag-isa nalang siya.
Parang may kulang. Parating may kulang..
May hinahanap siya na hindi niya makita at maramdaman.
Ramdam niya ang pagkahungkag sa kanyang kaloob-looban. Parang may isang malaking black hole sa kanyang pagkatao. Ultimong ang girlfriend niyang si Cassie Mariano; isang sikat na model, ay hindi na rin siya maunawaan.*Cassie & Him convo*
'Honey, what's wrong?' takang tanong nito sakanya matapos niya itong talikuran sa kama. 'Is there a problem, hon? Tell me..'
Nanatili siyang nakatalikod sa kasintahan.. ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa hubad nito katawan nang yumakap ito sa kanya.
Nagpakawala muna siya ng mababaw na hininga bago sumagot rito. 'There's no problem, Cassie.. I'm just so tired, that's why i am like this. Let's rest..' mahinang usal niya.
Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Pagkaraan ng ilang sandali ay muli itong nagsalita, humigpit pqng lalo ang yakap nito sakanya mula sa kanyang likuran.
'Marcuz, sabihin mo naman sakin kung may problema ka., tayo.. pqra hindi naman ako nangangapa parati.' sambit nito. Bakas ang lungkot sa boses ng kanyang kasintahan. 'Ilang linggo ka nang ganyan, hindi ka nagsasabi o nagsasalita kapag nagtatanong ako sau.. hindi ko na alam ang nangyayari sau.' dugtong pa nito.
Naiintindihan niya ang nararamdaman nito.. lalo na ang sinasabi nito.
May konting kirot siyang nadama matapos nitong magsalita.. nakokonsensya s'ya.Namalayan nalang niyang tumayo ang dalaga mula sa kamang kinahihigaan nila at nag-umpisang magbihis. Nang matapos ay humarap muli ito sakanya.
'Dun na muna ako sa bahay ko matutulog.. I think, you need a lot of time to think what's happening to you.. to us.' ngumiti ito at nagpatuloy 'Hindi naman ako nakikipag hiwalay.. masyado kitang mahal para gawin yon. Gusto kolang makapag-isip ka nang maayos, bibigyan lang kita ng space.. baka kasi nasasakal kana sakin., o baka masyado nakong nagiging clingy kaya nagkakaganyan ka.'
Kita niya ang pangingilid ng mga luha nito na kanina pa nito pinipigil. Mula sa paanan ng kama, lumapit ito sakanya at yumuko upang bigyan siya ng halik sa labi. Halo-halo ang emosyong nararamdaman niya sa sandaling iyon, hindi man lqng niya nagawang tumugon sa halik ng nobya.
Lumayo na ito sakanya at marahang itinango ang sariling ulo., animo'y sinasabing naiintindihan niya.
Muli itong ngumiti at saka dahan dahang naglakad patalikod hanggang sa humarap ito sa pinto at tuluyang lumabas.I'm sorry.
Gulong-gulo na sya sa nangyayari sa kanyang sarili.
Hindi niya alam kung saan magsisimulang alam kung bakit siya nagkakaganto.*End of convo*
'I'm sorry.. k-kahit ako h-hindi ko rin maintindihan ang nangyayare.' usal niya matapos balikan ang huling pag-uusap nila ng nobya.
Magtatatlong linggo na rin silang hindi nagkikita, nakakapag usap naman sila kahit papano sa kabila ng busy schedule nito.
Muli siyang napabuntong hininga. Nakatulala sa kisame habang ninanamnam ang alak sa loob ng bibig niya.
Nang walang anu-ano'y..
CUT!!
SEE YOU AT PAGE2 OF THIS CHAPTER.. I'M SORRY! I REALLY NEED TO CUT AND MAKE ANOTHER PAGE.
HINDI PO KASI MA-PUBLISHED.THANKYOU!! ♥♥♥
BINABASA MO ANG
Indenial ◇Men'sDignity SERIES 1◇
Non-Fiction》》MEN's DIGNITY《《 --Ang istoryang ito ay umiikot tungkol sa mga kalalakihan. Sa mga nabigo., nasaktan., niloko at pinagtaksilan. Sa kanilang pagbangon... muling makakatagpo ng panibagong mamahalin ngunit nag-aalinlangan dahil hindi tanggap sa lipuna...