Mahal kong Carmela,
Narito ako sa lugar kung saan ang lahat ay nagsimula,
Kung saan nagsimulang iguhit ng tadhana ang unang pahina.
Sa bawat pagbulong at paghaplos ng hangin ay tila unti-unti kong nakikita,
Unti-unti kong nadarama ang mga alaala nating dalawa.
Mga alaala na ni minsa'y hindi ko nakalimutang idala,
Dahil ito ay nakabaon sa bawat luhang pilit kong pinipigilang kumawala.
Noong una'y akala ko niloloko lang tayo ng tadhana,
Na ikaw ay hindi totoo't hindi puwedeng makasama,
Ngunit nangako ako, at nangako ka,
Nangako tayo na kahit ilang beses mang ipaglayo ng panahon ay mamahalin mo pa rin ako at mamahalin pa rin kita.
Na kahit mali ang lahat basta't tama tayong dalawa, ay matatalo natin ang tadhana.
Basta't hawak natin ang kamay ng isa't isa, higit pa sa isang daang libong taon ang ating makakaya,
Nagmamahal Juanito,
BINABASA MO ANG
I Love You Since 1892
PoesíaPs:I made it in my own Ang tulang ito na isinulat sa anyo ng isang liham ay kinapapalooban ng huling mensahe at saloobin ni Carmela IsabellaAlfonso para sa isa't isa. Layunin nitong iparating sa lahat na ang pag-ibig ay walang pinipili. Ang pag-ibig...