Mahal kong Juanito,
Alam kong naghintay ka sa ating tagpuan,
Alam ko na, nabuhay ka't pilit na hinarap ang pagsubok na ibinigay sa 'yo ng tadhana.
Napakahirap ng ating pinagdaanang dalawa,
Ang sakit, pait, at lungkot ay naramdam ko nang sobra.
Naramdaman ko ang bawat pagpatak ng aking mga luha,
Na hindi ko na napigilan dahil hindi ko nakaya.
Siguro nga'y sadyang ganito ang tadhana,
Pagtatagpuin tayong dalawa, ngunit may hangganan rin pala.
Ang bawat ngiti, ang bawat tawa, ang bawat kulitan ay unti-unti ring maglalaho't mawawala,
Dahil sa una pa lang hindi na talaga tayo para sa isa't isa.
Kaya salamat dahil kahit sobrang nahirapan ka ay hindi ka pa rin tuluyang nagsawa,
Na kahit sobrang nasasaktan ka na at napapagod ng sobra ay hindi ka pa rin tumigil sa pagsulat ng tula,
Hindi ka tumigil sa mga tulang hanggang ngayon ay hindi pa rin nabubura.
Dahil ang bawat salita ay isinulat gamit ang salitang "nasaktan man ako, hindi nito mababago ang pagmamahal ko sa 'yo"
Kaya nangangako ako na kahit pagod na ang orasan at mundo,
Hihintayin pa rin kita rito.
Hihintayin kita at mamamahalin sa tagpuan kung saan ang lahat ay nabuo.
Kahit abutin man ako ng paggunaw ng mundo, maghihintay ako,
Maghihintay at maghihintay ako.
Una't huling pag-ibig ko.Nagmamahal,
Carmela
BINABASA MO ANG
I Love You Since 1892
ŞiirPs:I made it in my own Ang tulang ito na isinulat sa anyo ng isang liham ay kinapapalooban ng huling mensahe at saloobin ni Carmela IsabellaAlfonso para sa isa't isa. Layunin nitong iparating sa lahat na ang pag-ibig ay walang pinipili. Ang pag-ibig...