Chapter II

35.3K 806 54
                                    

Aspen winced as she pulled the stake out of her flesh. Ihinagis niya iyon sa kung saan at hinarap muli ang lalaki. Maxwell is a tall guy, with dark hair and equally dark eyes. He had square jaws which give him a powerful impression. Well, he is indeed powerful and strong. Nagmula siya sa isa mga lumang angkan ng vampire hunters. His ancestors were the strongest and most respected of their kind.

"You are being reckless, Aspen." He drawled. Gustong gusto niya ang tunog ng boses nito na tila ba nagmula pa sa ilalim ng balon sa sobrang lalim. May tono din iyong mapangakit kaya naman hindi niya naiwasan ang pagtayo ng buhok sa batok niya.

Don't get too excited, lady vamp. Paalala niya sa sarili.

Ngumisi si Aspen-na siyang ginawa niyang paraan upang ikubli ang naramdamang pagnanasa sa lalaking kaharap-saka niya binalingan ang biktima niya na ngayon ay nakahalupasay sa sahig at tatawa tawa habang nakatingin sa kanila ni Maxwell. Lango pa ito sa lason na dala ng pagkagat niya. She crouched and pulled him up. Pabulong na kinausap niya ito habang nakatitig ng diretso sa mga mata nito hanggang sa tila isang masunuring bata na lumamlam ang mata nito at naglakad palayo.

"Alam mong hindi mo dapat siya pinaalis agad na nasa ganoong kalagayan pa ang pagiisip niya." Kontra ni Maxwell.

"What? Wala namang makakahalata." she shrugged and started to walk towards the opposite way her prey went.

Narinig niya ang pagtutol ni Maxwell pero hindi niya ito pinansin. Patuloy lang siyang naglakad habang pinapahiran ng kamay ang bibig niyang nakalatan ng dugo. She took a piece of cloth inside her jacket. It was a spare blouse. She always carry it around in case of troubles like this. She got rid of her jacket and old blouse. Walang alinlanagan na nagbihis siya sa harap ng lalaki. Narinig niya itong bahagyang tumikhim at pasimpleng tumingin sa ibang direksyon habang nagbibihis siya.

She smiled. Papadilim na at nagsisimula na siyang makaramdam ng lakas. Ayos! Matapos niyang magdamit ay muli na siyang naglakad palayo. Napangisi siya lalo nang maramdamang nakasunod parin si Maxwell sa kanya.

"Gusto mo ba talagang makuha ang atensyon ng mga vampire hunters, ha, Aspen?" he scolded. "Do you have a death wish or something?"

"No, Maxwell." sagot niya. Kung alam lamang nito na kung may vampire hunter man siyang kukunin ang atensyon ay ang dito ang kukunin niya. Her steps faltered. "Will you please relax?"

"You know you are no match to them." she heard him say. "Mag isa ka na lang ngayon."

She felt that familiar sting right in the middle of her chest. Tuluyan na siyang napahinto sa paglalakad. She doesn't want to be reminded of her reclusiveness. Not that she wanted that for herself. Saglit na sinupil ni Aspen ang daluyong ng sakit bago niya nilingon si Maxwell. He wore the same tormented expression she had earlier. Nangungulila rin itong tulad niya.

"She asked me to watch after you," tahimik at seryosong sabi nito. "Please don't make it hard for me to protect you."

Naikuyom ni Aspen ang mga palad. "I'm not doing anything, Maxwell!" hindi napigilang singhal niya. Ayaw na ayaw niya ang tono nitong iyon. Na tila ba isa siyang batang matigas ang ulo na nais nitong kutusan. She's nearly two hundred years old and she's a lot older than him.

Because unlike her, Maxwell is not an immortal. He is almost thirty years old at mahigit tatlong taon na rin niyang tinitiis ang presensya nito.

Who are you kidding, Aspen?

Itinatangi niya si Maxwell. Alam niyang hindi dapat mahulog ang loob ng isang bampira sa hunter niya. At vise versa. Ipinanganak sila mula sa magkalabang angkan. They should be killing each other now.

Blood and Kisses (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon