"Lo oras na po para inumin ang gamot nyo." napamulat sya ng mata ng nakangiting bumungad sa kanya ang mukha ng apong si Miriam.
Kasalukuyan syang nakaupo sa kanyang paboritong rocking chair habamg nagpapahangin sa garden ng kanilang mansyon ng mga oras na iyon.
Isa itong nurse sa isang pribadong hospital sa Maynila.
Napangiti sya ng makita ang nakangiting mukha nito habang palapit ito sa kanya tangan ang isang baso sa isang tray at ang lagayan ng mga gamot na kanyang iniinom sa araw araw .
Sa edad nitong bente singko masasabi nyang napakaganda nito lalo na sa suot nitong puting uniporme.
Nilapag nito ang dala-dala nitong tray sa mesang nasa tabi nya at nakangiting inabot sa kanya ang isang tableta at isang basong tubig.Agad nya iyong ininom.
"Ayan ang bait talaga ng lolo,magpahinga na po kayo huh? para po lumakas pa po kayo" anito habang maingat na binabalik ang baso sa tray.
"Mamaya po pupunta dito ang mama at papa pati na sina kuya sam at ate lira para dalawin kayo."anito at tumabi sa bakanteng rocking chair sa tabi nya.
Pasadya ang rocking chair na yun para sa kanilang dalawa ng yumaong asawa na si Melinda.
Hinawakan nya ang kamay ng dalaga at nakangiting tumingin dito.
"Gusto mo bang marinig ang kwento namin ng lola mo??" tanong nya rito
"Opo naman lolo"nakangiti ring sagot nito
"Alam mo ba hinding hindi ako nagsasawang ulit uliting balikan ang lahat ng nangyari sa amin ng lola Melinda nyo."aniya habang nakatingin sa mga rosas sa kanilang harapan.
Ang rosas na iyon,ang kulay dilaw na rosas na iyon ay ang paboritong bulaklak ng kanyang pinakamamahal na si Melinda.
Tandang tanda nya pa ang unang pagkikita nilang dalawa nito.
BINABASA MO ANG
Never Ending Love
RomanceHalikat basahin natin ang kwento ng pinakamamahal kong lolo,ang kwento ng Never Ending Love that proves that Forever Do Exist