Year 1974
I was 25 years old then, isang badboy,sakit sa ulo ng papa.Mabisyo,babaero at walang deriksyon ang buhay.Kumbaga patapon.
Pero nagbago ang lahat ng iyon ng makilala ko ang isang dalagang nagngangalang Melinda.
Isa sya sa mga katulong sa mansyon namin.Bagong dating lang ako nun galing sa maynila.Biglaan ang pag uwi ko na hindi naman talaga dapat na mangyayari kung hindi lang nagtelegrama ang mama na inatake daw ang papa habang naglilibot sa hasyenda sakay ng paborito nitong kabayo.Mabuti na lang daw at nakita ito ng kanilang mga tauhan sa sakahan at agad na naisugod ang papa nya sa ospital sa bayan.
Sa ngayon ay maayos na ang pakiramdam nito.
Mahigit kalahating oras na akong nakatayo sa harap ng kwarto ni papa.Hindi ko alam kong paano haharap sa kanya.Alam ko namang ako ang dahilan kung bakit sya inatake.
Ilang linggo na rin kasi akong kinukulit nitong pamahalaan na ang sakahan nila pero ilang beses ko itong tinanggihan at isa pa hindi pa ako handang mamahala ng hasyenda.
Bumuntong hininga muna ako bago marahang kumatok.Agad kong narinig ang boses nito na nagsasabing pumasok na ako.
Marahan kong pinihit ang seradura ng pintuan at marahang itinulak iyon upang makapasok sa loob.
Bumungad sakin ang ang mama at papa .Nakahiga ang papa sa tabi nito habang ang mama naman ay nakaupo sa gilid ng kama ni papa.
Marahan akong naglakad papunta kay papa.Agad ko syang niyakap ng marating ko ang kama nya.
"pa patawarin nyo ako"sabi ko rito
Tinapik lang nya ang likod ko na para bang sinasabing Ayos lang anak.
Hindi masyadong makapagsalita ang papa dahil na rin sa kondisyon nito.
Umalis ako sa pagkakayap ko sa kanya at mataman itong tiningnan.
Kasalanan ko to kung naging masunurin lang akong anak.Kung hindi ako tumanggi sa gusto nya hindi to mangyayari sa kanya.Naawa ako sa kalagayan ng papa.
Mataman ko syang tiningnan.
"Magpagaling ka papa,pangako gagawin ko ang gusto mo,pamamahalaan ko na ang hasyenda"sabi ko sa kanya
Ngumiti sya sa mga sinabi.Oo tutuparin ko ang mga sinabi ko ,mahal ko si papa at siguro nga tama lang sna uklian ko naman ang kabutihan nya sa akin bilang anak nya.Buong buhay nya sinunod nya ang lahat ng layaw ko.Panahon na siguro para pagbigyan ko sya.
At isang desisyon na kailangan kong panindigan.
Para sa magulang ko.
BINABASA MO ANG
Never Ending Love
RomanceHalikat basahin natin ang kwento ng pinakamamahal kong lolo,ang kwento ng Never Ending Love that proves that Forever Do Exist