"Melinda kamusta ka ? " Tanong ko
Nakita ko sa mukha nya ang patataka.
"kaibigan ako ni Arthur hernandez , yung bestfriend ko .."
Tsaka lang rumehistro sa mukha nito ang galak ng sabihin ko iyon dito . Natatandaan kong nanligaw ang kaibigan ko rito ngunit di rin ito napasagot ng huli.Meydo mailap kasi ito noon lalo na sa lalaki , tanda ko ng umuwi ako para mag baskasyon ng summer, taon taon kasi ay dito sa hasyenda ko ginugugol ang mga araw na wala akong pasok.Sa may Maynila kasi ako nag aaral habang si Arthur naman ay dito sa Laguna ,ipanakilala ako ng kaibigan ko rito , at masasabi kong talaga napakaganda nito .Maamong mukha, mapupulang mga labi at makinis at kayungmangging balat. Ito na yata ang pinakamagandang babaeng kanyang nakita sa Bayan nila. Pero tulad ni Arthur mukhang walang talab ang karisma ko sa kanya.Hanggang sa natapos na kami ng high school at lumipad na patungong Amerika si Arthur ay nanatili na lang ang pagiging magkaibigan ng mga ito.
"Naku ayos lang po akosenyorito " anito
"DIto ka nagtatrabho?? kelan pa??" Gulat na tanong ko
"opo , maglilimang buwan na po"sagot nito
Kumunot ang noo ko sa sinabi nitong iyon .Ang alam ko sa estado ng pamilya ng mga ito ay may kaya ang pamilya nang mga ito .
"Nagkasakit kasi ang papa noong bago ako makapag tapos ng high school . Lahat ng naipon ng papa ay nauwi sa pagpapagaling nya. Ang mama naman ay inatake sa puso kaya labis sigurong dinibdib ng papa ang pagkawala ng mama kaya nawala din sya. " paliwanag nito . marahil ay nabasa nito ang iniisip ko.
" laking pasasalamat ko nga sa mga magulang mo dahil sila ang nag asikaso ng libing ng magulang ko kaya bilang ganti ay nagtrabaho ako dito bilang katulong"nakangiti nitong turan.
"ganun ba" Wala na akong maapuhap na sabihin dahil sapat na ang nalaman ko sa nangyari sa kanya pagkatpos ng limang taon.
"ahh naku senyorito mauna na ako at ibaba ko pa po itong mga kumot na galing inyong silid" paalam nito.
Ayaw ko pa sana itong umalis pero gabi na rin at kelangan ko nang magahinga. May panghihinayang man ay tumago na lang sya bilang tugon dito.
Humakbang na ito patalikod ng tawagin ko ito
" Melinda "
"Senyorito ano po yun??"
"Pwede bang tanggalin mo na ang pagtawag sakin ng senyorito , ALbert na lang " Nakangiti kong sabi dito bago pumasok ng kwarto.
Humiga agad ako sa kama ko ng makapasok ako sa loob ng silid ko pilit na inaalala ang mga naging pag uusap namin ni Mlelinda kanina.
Ipinikit ko ang mga mata ko at napangiti ako ng may maalala ko ang maganda nitong mukha.
Ibang iba sa mga nakakasalamuha kong mga babae sa lungsod.
Natulog na ko dala ang ngiti sa mga sa labi.
BINABASA MO ANG
Never Ending Love
RomanceHalikat basahin natin ang kwento ng pinakamamahal kong lolo,ang kwento ng Never Ending Love that proves that Forever Do Exist