Chapter 2

4 0 0
                                    

"Anak salamat" napalingon ako sa sinabi ng mama.Andito ako ngayon sa veranda ng mansyon at naninigarilyo.Katatapos lamang naming maghapunan nun

Hinithit kong muli ang sigarilyo.

"ma kasalanan ko rin po kung bakit nangyari kay papa yun at gusto ko pong makabawi" sabi ko kay mama

Bumuntunghininga ang mama at umupo sa silyang naroon.

"matagal ng dinaramdam ng iyong papa ang pananakit ng kanyang dibdib kaya ka nya pinipilit na pamahalaan ang hasyenda para na rin sa ikabubuti mo."mahabang paliwanag ng mama

Sana pala nung una pa lang na sinabihan nya ako ay pumayag na ako siguro ay hindi na aabot sa ganito.

"wag mong sisihin ang sarili mo anak

alam ko hindi ka rin sinisisi ng papa mo mahal ka namin gusto lang namin na mapabuti ka."

Ngumiti ako sa sinabi ng mama,kalagayan ko pa rin ang iniisip nila ng papa at gusto kong suklian yun sa pamamagitan ng pagtupad sa gusto ng papa.

"magpahinga ka na anak malayo ang nilakbay mo at alam kong pagod ka na,pupuntahan ko lang ang papa mo" humalik ako rito bago ito umalis papunta sa kwarto ng papa

Kailangan ko na rin sigurong magpahinga muna para bukas marami pa akong dapat asikasuhin bukas.

Papasok na ako ng kwarto ng makabangga ko ang isa sa mga katulong na may dalang mga kumot.

Nahulog sa sahig ang dala dala nito sanhi ng pagkakabangga sa akin.

"naku pasensya na po senyorito hindi po kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko"anito na nagmamadaling pinupulot ang mga kumot na nahulog.

"ayos lang mag ingat ka na lang ulit" sabi ko.

Nagulat ako ng mag angat ito ng mukha.Ang ganda nya,yun lang ang masasabi ko, hindi ito bagay maging katulong lang.

Pero parang nakita  ko na   ang mukha nito sa kung saan.Ang nunal nito sa may ilalim ng labi ,ang matangos nitong ilong at ang  mapupula nitong mga labi.

Mabilis itong nagpaalam nang makuha na nito ang mga nahulog na kumot.

Sinundan ko ito ng tingin pilit na inaalala ang mukha ng babae.

"Melinda" malakas na tawag ko rito.

Gulat na napalingon ito ng marinig nito ang sinabi nya.

"sabi ko na nga ei parang pamilyar ka sakin ei. kaw pala yan Melinda." nakangiti kong turan dito.

Halos di ko  ito nakilala sa laki ng pinagbago ng anyo nito noong huli nya itong nakita.

Never Ending LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon