Deng Rei Xiu
Bakit sa lahat ng pagkakatiwalaan ko ay ang mag tataksil pa sa akin? Si Brent na kababata ko, at si Eli na matalik kong kaibigan?!
Ang masakit pa ay pinatay ni Eli ang pinsan ko! Ang pinakamamahal kong pinsan!
Lu...lumi. Tawag sa akin ni Heart at nag angat naman ako ng tingin sa kanya.
Nag - aalalang nakatingin sya sa akin. Hindi ko gusto ang mga nangyayari, pero sa tingin ko ay kailangang mangyari ang lahat ng ito.
Umupo naman sya sa tabi ko at hinaplos ang likod ko. Hindi ko alam kung mabubuo pa ba ang pagkakaibigan nating lahat. Malungkot na sabi nya at tumawa naman ako.
Pinapatawad ko na sila, pero nasasaktan pa rin ako. Tanggap ko na ang nangyari, pero hindi madali ang makalimot sa mga ginawa nila. Sagot ko sa kanya at idinantay ang ulo ko sa balikat nya.
Si Ace ay hindi ko nakita buong hapon. Isa rin kaya sya sa mga pumapatay? Tanong ko sa kanya.
Impossible iyon Lumi, wala sa mga tinawag ang pangalan ni Ace. Baka naman may ginawa lang sya. Sagot nya sa akin at napatango tango ako.
Tama sya, pero nasaan sya? Naka alis na lang lahat lahat si Adelyn ay wala pa rin sya.
Hindi kaya ay may masamang nangyari sa kanya? Hysterikal na tanong ko sa kanya at nag bitiw naman si Heart sa pagkakayakap sa akin.
No...! No..! Girl! Blimey! Walang mangyayaring masama sa kanya. Okay? Sagot nya sa akin at tumango naman ako ng marahan, pero may nararamdaman pa rin ako na may masamang mangyayari na naman.
Kakain na, Dudes! Anunsyo ni Andrew at saka umalis na. Kami naman ni Heart ay tumayo na. Nauna akong lumabas sa kanya at sya naman ay nahuli.
Pero ang tagal nyang lumabas kaya sinilip ko sya. Hawak hawak nya ang Anti - Mosquito Cologne ko, at nakikita ko na malaki ang bawas nun! Naging kalahati ito!
Kaagad naman akong pumasok at hinablot iyon sa kanya. Puno yan hindi ba? Tanong nya sa akin at naka kunot noong tumango ako.
Sino naman ang kumuha nito? Tanong ko sa kanya at nag kibit balikat ako. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Batid kong bukod kila Kristine ay may nakaka alam na rin ng sekreto ko.
Ano namang pakay nya dyan sa Cologne mo? Tanong nya at nag kibit balikat ako bago sumagot.
Hindi ko alam... Wala namang epekto ito sa mga tao, tanging sa bampira lang. Sagot ko sa kanya at napatalon naman sya at nakatakip ang kanang kamay sa bibig nya na nakabukas dahil sa gulat.
Hindi kaya ay may bampira rin dito?! Bukod sayo? Mahinang tanong nya sa akin at lalong kumunot ang noo ko dahil sa mga itinanong nya.
Possible, pero paano naman nya nalaman? Sagot na tanong ko sa kanya at tumawa naman sya ng malakas.
Kaloka ka Girl! Malamang maputla ka! Maputla rin sya! Ano ka ba! Prankang sagot nya at napa irap naman ako.
Oo nga, pero paano naman nya nalaman ang cologne na ito? Tanong ko sa kanya at nag kibit balikat sya.
Yun ang hindi ko alam, Girl! Sagot nya at kinuha nya sa akin ang Cologne ko at inilagay iyon sa lalagyanan. Ikinandado naman nya ang bintana namin at isinara ang kurtina.
Matapos nyang gawin iyon ay bumaba na kami at nandito na silang lahat maliban kay David at Andrew.
Nandito rin si Bella dahil sya daw muna ang mag aalaga kay Brent dahil sa sugat na natamo nya mula sa akin.

BINABASA MO ANG
The Cadaver University
FantasiaCadaver University, isang pribadong tagong unibersidad ngunit tanyag sa larangan ng pagtuturo ng medisina. Marami ang naeenganyo na mag-aral dito sapagkat bukod sa ito ay tanyag na unibersidad ay hindi rin gaano kamahal ang matrikula na kailangan ba...