BASTE
"Bakit ka napasyal dito?" Nakangiting tanong ni Tito Jerome.
"Gusto ko lang po kayong makausap. Tita, Tito." Sagot ko naman. Sa totoo lang kinakabahan ako ngayong kaharap ko na ang mga magulang niya.
At sa nakikita ko mukhang wala silang alam sa kung ano ang nangyari samin isang taon na ang nakakalipas.
"Is it about our daughter?" Tanong naman ni Tita Jessica.
Tumango lang ako.
"She went here a year ago. Umuwi siya dala ang ibang mga gamit niya na ipinagtaka namin. Sabi niya nagresign na daw siya sa trabaho at gusto muna niyang magbakasyon. Pero iba ang nakikita namin. There is something in her eyes. Pain. Hindi namin siya tinanong dahil alam ko, kapag kaya na niya, mag oopen din naman siya. Minsan sinisilip ko siya sa kwarto niya at nakikita siyang umiiyak. Minsan naman ay tulala o di kaya ay may tinatype sa laptop niya habang umaagos ang luha sa mata. Minsan lang din siyang lumabas ng kwarto niya. At alam namin, na lahat ng pinapakita niyang emosyon saamin ay hindi totoo. Ngingiti at tatawa. Pero hindi iyon umaabot sa mga mata niya. Nagpapanggap siyang masaya kapag nandito kami. Hanggang sa nag paalam na ulit siyang babalik sa Manila dahil may naghihintay daw na trabaho sa kanya. Tumatawag siya saamin ng madalas at kinukumusta kami. Pero ramdam ko parin ang bigat ng dinadala niya hanggang ngayon." Mahabang kwento ni Tita.
Hindi ko mapigilang hindi maguilty.
"Do you have something to do with it? Ikaw ba ang dahilan kung bakit nagkaganoon ang anak namin?" Seryosong tanong ni Tito.
Kinabahan naman ako. Alam ko magagalit sila kapag nalaman nila ang totoo.
Tumango ako.
"We're listening" sabi ni Tita.
Hindi man lang nila ako hinusgahan agad. Handa silang makinig sa mga sasabihin ko.
"I was 18 when something terrible happened to me. I-I was raped." Utal na sabi ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
Napasinghap sila sa sinabi ko. Nakayuko ako at hindi tumitingin sa kanila habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko. Naramdaman ko ang pag hawak ni Tita sa kamay ko saka pinisil ito. Tumingin ako sa kanila at nakita ko ang pakikisimpatiya nila. She's also telling me to continue.
"That night was my 18th birthday. Yun din po ang gabi na namatay ang mga magulang ko, because of too much pain I'm feeling, I run out of our house. Until that happens. After that, I suffered depression. Then one day, I find myself trying to stand up. Then I did. But that nightmare, hindi siya nawala sa sistema ko. Until I met your daughter. I fall in love with her. She gave me the reason to just forget my past and have her in present. Unti unti ko ng nakalimutan ang nangyari. Until I met you, I was very happy. That time I already decided to fully forget what happened. Jaecee also introduced me to your son, J-Jaevee." Kwento ko.
Nakita ko ang pagtulo ng mga luha ni Tita. At si Tito naman ay nakatulala lang. Pakiramdam ko alam na nila ang sasabihin ko.
"I-It happens that the man who r-raped me and your son is one person." Dugtong ko habang patuloy na lumuluha.
Si Tita naman ay humagulhol na habang yakap ni Tito. Hindi siya makapaniwala na kayang gawin yun ng anak nila.
"Dahil sa nalaman ko. All the pain I have for the past 7 years came back. My anger fires up. Until I came to an stupid decision, that is to hurt your daughter bad to take my revenge." I continue.
Napatingin sa akin si Tito galit ang mga mata nito.
"Hindi kasalanan ni Jaecee, ang kasalanan ni Jaevee. Kung nabubuhay lang siya, ako mismo ang magpapakulong sa kanya para sa katahimikan mo at para pagbayaran ang nagawa niya" madiing sabi nito.
Sinalubong ko naman ang mga titig nito.
"I know Tito. That's why I'm here. I wanted to ask for your forgiveness and to give my forgiveness to Jaevee. I wanted to let go of my past, for Jaecee. I realized that I still love her. At Hindi ko kayang mawala siya sakin. Kahit kapalit noon ang kalimutan ang galit ko para lang bumalik siya saakin gagawin ko" sinserong sabi ko.
Tumango naman ang dalawa saka nagpunas ng mga luha.
"Anong maitutulong namin?" Nakangiting tanong ni Tita.
"Maaari po sanang samahan niyo ko sa puntod niya" nakangiti ko na ring sabi. Pinunasan ko na din ang mga luha ko.
Ngumiti ang dalawa saka tumayo.
_____________________________________________
Nanghihina ako habang papalapit sa puntod ng taong yun. Ngayon ko lang napansin na dito din pala nakalibing sina Mommy at Daddy. Kaya pala nagkita kami dito ni Jaecee noon.
"Hindi ko alam na kaya mo palang gawin ang bagay na yun anak. Nagkulang ba kami sa pagpapalaki sayo? Nag kulang ba kami sa pangangaral sayo?" Umiiyak na turan ni Tita. Nakalapit na pala kami sa puntod nito.
"Hindi ako naniniwalang kayang gawin yun ni Jaevee. Alam ko may mabigat na dahilan" sabi naman ni Tito.
"Kahit na ano pa pong dahilan. Handa ko na po siyang patawarin. Gusto ko na pong maging masaya, at hindi ko iyon magagawa kapag may galit pa ako dito sa puso ko" nakangiting turan ko.
Buo na ang loob ko. At handa na ako. Lumapit ako sa puntod niya saka hinawakan ito.
"Tama na ang pitong taong hinayaan Kong manirahan ang galit sa puso ko. Ngayon pakakawalan ko na ito. I give you my forgiveness Jaevee. Whatever the reason is, I don't care anymore. Ang alam ko lang ngayon, gusto kong mahalin ang kapatid mo ng bulong buo. Sana matahimik ka na rin. I also want to thankyou for saving her. If it wasn't because of you, siguro hindi ko siya nakilala. Everything happens for a reason. Siguro kung hindi nangyari lahat ng nangyari, hindi rin akong matututong magpatawad at makalimot. Kaya salamat parin. You maybe steal 7 years from me, but I have more than a lifetime to spend it with your sister. Yun ay kung papapayag pa siya" I sincerely said.
Tinapik ako ni Tito sa balikat kaya tumayo na ako.
"Maraming salamat sa pagbibigay mo ng kapatawaran. Alam ko mahirap pero ginawa mo parin. Mas pinili mo parin ang pagmamahal mo sa kanya" sabi naman nito.
"Minsan na akong nagkamali Tito. Minsan ko ng pinili ang galit kesa sa kung ano ang nararamdaman ko sa kanya. Ang tanga ko lang na sinayang ko ang isang taon" nanghihinayang Kong sabi.
"Wala ka dapat pagsisihan, kasi tulad nga ng sabi mo, kung hindi nangyari lahat ng nangyari eh hindi ka matututo. Ngayon ang kailangan mo nalang gawin ay bawiin siya. Alam namin na mahal ka parin niya basta pangako mo lang saamin na Hindi mo na ulit siya sasaktan. Kung hindi, mananagot ka saakin" Pagbabanta nito.
Napatawa naman ako.
"I can't promise you that I can't hurt her, because misunderstanding happens. Pero isa lang po ang maipapangako ko, mamahalin ko po siya ng bulong buo." I assure him that makes him smile.
Pagkatapos noon ay nag paalam na kami sa puntod nito. Pinakilala ko din sila sa mga magulang ko saka sabay sabay kaming bumalik sa bahay nila. Ang sabi nila ay doon na daw ako maghapunan. Kaya hindi ko na tinanggihan. Pagkatapos ng hapunan ay nagpaalam na ako sa kanila, pero bago pa man ako makaalis ay hinabol ako ni Tita.
"Baste! Please give this to Jaecee. Nakita ko yan nung nag aayos ako ng gamit ni Jaevee. And I think hindi pa niya nababasa yan. Hindi ko rin tinangkang buksan" sabi ni Tita sabay abot sa akin ng isang envelope na parang sa isang sulat.
Tiningnan ko ito at nabasa ang sa harap nito. "To My Princess".
Napangiti ako. He really love his sister. Tumango ako kay Tita saka nagpaalam na ulit.
I'm comin' for you baby.
BINABASA MO ANG
THIS IS US
RomanceChoosing LOVE over your PAINFUL PAST. Note: This story contains disturbing contents. If it might be a trigger on your part please DON'T READ IT.