Chapter 61:❤️Awkward

429 23 1
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Julia Montes Point of View-

"Handa mo na ba akong patawarin?" Hindi ako makasagot sa tanong ni DJ. Nanatili akong tahimik.

"Alam mo, dalawang taon na ang nakakalipas since nangyari yun sa atin at sa dalawang taon na yun puno ako ng pagsisisi. Nang malaman ko ang totoo gusto kong sapakin ng malakas ang sarili ko pero naisip ko na kung gagawin ko yun alam kong hindi ka na babalik sa akin dahil ng marealize ko yun at malaman ko yun wala ka na" Sabi naman niya. Hindi ko alam pero parang gustong kumawala sa mga mata ko ang luha.

Napatingin naman kami sa itaas ng biglang sumindi ang ilaw but still hindi pa rin bumubukas ang elevator.

At ngayon nakita ko na ng malinaw at maayos si DJ. Kitang-kita ko sa mga maya niya ang pagiging sincere at parang mas lumambot ang puso ko. Kaya ayoko siyang tignan sa mga mata niya eh.

"Alam kong, mali yung nagawa ko. Pinangunahan ako ng selos at galit ko kaya nakipag-hiwalay ako sa iyo pero ng ipaliwanag sa akin lahat ni Quen dun ko na nalaman ang katotohanan. Lasing ka nung mga panahon na yun sobrang miss na miss mo na ako at dahil nandun si Quen napagkamalan mo siyang ako kaya mo siya hinalikan"

"Hindi mo man lang pinakinggan ang paliwanag ko DJ" Sabi ko naman sa kaniya.

"Oo alam ko yun isa yun sa mga dahilan Julia eh, isa yun sa mga dahilan. Naging matigas yung puso ko that time at dahil nandun si Kath para sa akin sinubukan ko na maging kami pero kahit dalawang taon na kami Julia ikaw pa rin ang mahal ko" Huminto ang oras ng marinig ko yun kay DJ.

Na mahal niya raw ako.

Na kahit sila na ni Kath 2 years ako pa rin ang nilalaman ng puso niya.

Ano bang nangyayari sa iyo Julia? Dapat magalit ka sa kaniya pero bakit nagiging ganyan ka?

"Masaya ka na sa piling ni Quen ngayon hindi ba? Narinig ko yung sinabi mo kay Kath nung nasa taping tayo n pelikula natin na hindi mo na ako mahal na kahit kailan hindi mo na ako mamahalin o kaya siguro kahit ako na lang ang lalake sa mundo hindi mo na ako babalikan, naiintindihan ko naman yun. Masyado akong nag cause ng pain sa iyo kaya nga pumunta sa Germany para kalimutan ako pero tignan mo dahil dun naging sikat na sikat ka ng modelo hanggang sa ibang bansa. Julia, alam kong darating ang araw na siguro o ewan ko na malilimutan kita at ang mapapansin ko na lang ay si Kath kasi may Quen ka na eh hindi na tayo pwede kasi mahal kita ang kaso mahal mo ba ako? Hindi na diba? Sinabi mo na mismo yun?"

Siguro nga pinlano ni God na mangyari yun para makapunta ako sa Germany at maging sikat na modelo pero kahit naman sikat na sikat na ako naiisip ko may kulang pa rin eh kasi wala si DJ sa piling ko. Oo mahal ko pa rin siya. Pilit kong iniaalis sa isip ko ang mukha niya pero wala eh. Pilit kong niloloko yung sarili ko na wala na pero meron pa rin talaga eh. Kahit siguro 10 years pa ang makalipas at makita ko siya.......SIYA PA RIN TALAGA.

Minahal ko naman si Quen kaya lang iba ang pagmamahal ko kay DJ, mas malalim. Hindi ako makapag-react sa bawat salita na sinabi ng bibig ni DJ. Hindi ko expect na mangyayari toh ngayong gabi.

"Ang akin lang Julia, kung hindi mo pa ako mapapatawad okay lang pero sana dumating yung araw na mapatawad mo ako. Mahal na mahal kita Julia at naiintindihan ko na hindi mo na ako mahal siguro hanggang dun na lang tayo kasi may bago ng tao na dumating sa buhay natin at yun ay sina Quen at Kath. Tulad ng dati, I will always care for you, mamahalin kita hanggang sa dulo ng walang hanggan kahit hindi na pwede pa. Mahal kita" Tumulo ang mga luha ko pero hindi iyon napansin ni DJ ng bumukas ang elevator at tumayo na siya. Iniwan niya akong mag-isa rito sa elevator na naka-upo.

A Life In Star World [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon