Chapter 63:❤️What's Next?

528 14 2
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Julia Montes Point of View-

"Oo DJ, mahal na mahal pa rin kita" Napangiti si DJ ng mawala yun at sa isang iglap narinig ko na lang na sinigaw ni Quen ang pangalan ni DJ kasabay ang pagsuntok ng malakas dito. Hindi ko alam na nakita ni Quen yun.

"Quen!" Napasigaw na lang ako sa biglang pagsuntok niya ng malakas kay DJ at ngayon hindi niya tinatantanan ito ng suntok. Kaya naman inawat ko siya.

"Walang-hiya ka! Mang-aagaw ka! Gago ka!" Patuloy pa rin siya sa pagsuntok kay DJ.

"Quen please! Tama na!" Nang magmaka-awa ako kay Quen tumigil siya sa pagsuntok kay DJ. Tinignan niya ako ng masama at hinila ako papasok sa elevator. Naiwan mag-isa dun si DJ na nakahiga at bugbog sarado kay Quen.

"Quen! Bitawan mo ako! Ano ba?! Si DJ!"

"Bakit?! Babalikan mo siya?! Pipiliin mo siya kesa sa akin?!" Nang bumukas ang Elevator ibabalik niya na sana ako sa Condo namin pero ayaw kong makita ni Daddy na nag-aaway kami kaya naman bumitaw ako sa kanya at nandito kami sa gitna ng Hallway.

"Bakit mo yun ginawa ha?!" Sigaw ko naman sa kaniya.

"Ang alin?! Yung pagsuntok ko sa gagong yun ha?! Julia naman! Bakit ka pumayag?! Ano BA talaga Julia?! Gulong-gulo na ako sa iyo alam mo yun?! Nung una galit na galit ka kay DJ you want to take a revenge to him pero nakiusap ako sa iyo na patawarin mo siya, oo pinatawad mo na siya pero after that kayo na ulit?! Magbabalikan na kayo?! Ano yun lokohan Julia?! Lokohan?!" Ngayon ko lang nakita ng husto na magalit si Quen na kung tutuusin kasalanan ko naman talaga.

"Bakit hindi ka makasagot?! Mahal mo pa ba siya?! Ha?!" Gusto ko ng umiyak, gusto kong manahimik na lang habang-buhay.

"Aminin mo nga sa akin Julia, mahal mo pa ba si DJ? Minahal mo ba talaga ako kahit konti lang? O ginamit mo lang ako bilang panakip-butas kaya ka pumayag na makipag-relasyon sa akin?" Naging mahinahon naman siya ng tanungin niya ako.

"Inaamin ko, hanggang ngayon mahal ko pa rin si DJ" Napasinghap naman siya sa sagot ko at napahawak sa beywang niya. "Pero Quen minahal kita, minahal kita pero hindi katulad ng pagmamahal ko kay DJ at kahit kailan hindi kita ginamit na panakip butas" Paliwanag ko naman sa kaniya at nagsasabi talaga ako ng totoo.

"So parehas mo kaming minahal ganun ba? Mahal mo ako pero mas mahal mo si DJ ganun ba?" Hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag kay Quen ang sagot ko.

"Kahit dalawang taon na ang nakakalipas Quen mahal ko pa rin si DJ pilit ko lang niloloko ang sarili ko na hindi ko na siya mahal at nakapag move on na ako pero hindi eh nandito pa rin siya sa puso at isip ko. Minahal din kita Quen dahil nandiyan ka nung mga panahon na kailangan kita pero ng nakita ko si DJ wala eh sabi ng puso ko siya pa rin ang itinitibok" Napaluha na ako ng tuluyan habang sinasabi ko sa kaniya iyon dahil alam kong nasasaktan ko siya.

"Alam mo Julia, nung nagkabalikan kayo ni DJ sumuko na ako sa iyo noon kasi naisip ko na hindi naman talaga siguro tayo ang itinadhana pero ng malaman ko na sinaktan ka niya dahil lang sa maling akala naisip ko na baka yun na ang chance nating dalawa at natuwa ako dahil binigyan mo ako ng pagkakataon pero yung pagkakataon pala na yun ang magbibigay ng dobleng sakit sa akin ngayon, alam mo ba yun?" Mas lalo akong nasaktan ng makita ko si Quen na umiyak.

Habang umiiyak kaming dalawa, hinawakan ko siya sa pisngi niya. "I'm so sorry Quen, sana mapatawad mo ako. Sinubukan kong kalimutan si DJ pero hindi ko kaya" Napapikit naman ako habang umiiyak na sinasabi sa kaniya iyon.

A Life In Star World [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon